Akala namin ay tumino na ang promising young actor at tumigil na sa pagdo-droga dahil ito ang kanyang ipinangako sa management ng network na pinagtatrabahuhan niya pati na rin sa mga kaibigang artista na parati siyang sinasabihang magbago na.
Pero according to a reliable source, patuloy pa rin daw nalululong ang young actor at mas lumalala pa yata kaysa rati.
Ayaw na raw lumabas ng young actor sa araw at gusto ay sa gabi magtrabaho. Sa araw ay gusto raw nitong matulog lang.
Nang minsan naman daw na magkaroon ito ng mall show, laking gulat ng lahat nang bigla na lang daw mag-exercise ang young actor sa stage. Nagti-trip, baga.
Sayang ang young actor dahil magaling siyang umarte at sumisikat na sana siya. In fact, binigyan siya ng home network niya ng solo drama series and in fairness, nag-rate naman ito.
Pero bago pa man matapos ang serye ay nalulong na sa bisyo ang young actor at naging problema na diumano sa set.
May nagsasabing love problem ang dinadala ng young actor kaya gustong makalimot at bisyo nga ang napagbalingan.