Aiko Melendez maging tagumpay na kaya sa kanyang second wind?

    327
    0
    SHARE

    Welcome na welcome sa showbiz ang second wind ni Aiko Melendez. Isa siya sa naturally gifted actresses at hindi   product ng mga OA na workshop ek. Kahit  na noong kabataan ni Aiko, naipakita na niya ma mas magaling siya sa     mga kasabay niya, hence mas nauna siyang nagkaroon ng acting award sa kanilang lahat.

    Sayang nga, maagang na in love si Aiko at yun sanang tatahakin pa niyang mahabang landas bilang batikang artista ay naudlot.  In her comeback bid na makilalang muli sa showbiz, magtuloy-tuloy na sana si Aiko bilang de-kalibreng aktres sa showbiz.

    Who made Aiko Melendez? Siyempre produkto siya ng namayapang Douglas Quijano, ang dekano ng mga talent manager sa Pilipinas. Kung hindi siya maagang nawala baka napakarami pa niyang iconic actors sa naging produkto pa ng showbiz.

    And speaking of talent manager na kasing kalibre ni Quijano, please meet Chicky Martin na tunay na pangalan ay Martin Bellosillo, higit na kilala sa fashion world as Martin Martin o simply Chicky. Siya po yung pinakapinuno ng Elites Modeling Agency which handles class A fashion models cum commercial  talent/actors.

     Although new in the trade, this agency already produced and still in the process of finding icons in  modeling, already Martin has created a name for himself as a well respected talent manager in the country. Our initial interview with the guy reveals his sincerity and simplicity.

    “I adhere to simple living, yan ang sikreto ng tagumpay ko sa buhay. I am here hindi para  yumaman kundi para makatulong sa mga talent I am taking care of. Sino mang talent ang nasa poder ko can never go wrong, I am a moral person and abhors yung  mga maling kalakaran sa industry na ito. Aware ako sa mga masamang nangyayari kaya hangga’t maaari, I protect all my models  ang inspire them to display perfect attitude,” sabi pa niya. 

    Ako kasi attitude ang una kong tinitingan sa isang  plikante ko, natrurally, sa industry na ito I am scouting of perfect materials, may beautiful face and beautiful body, pero una kong tinititingnan ang kanilang attitude, once I see na hindi ko gusto, goodbye, marami pa namang  talents diyan who needs me,” mahabang kuwento  pa ni Chicky Martin.

    At this point hindi na niya iisa-isahin ang mga   modelo niya, suffice to say na karamihan ay kilala sa fashion world and have been working as models sa  maraming  kilalang fashion designers. “Mga artistahin talaga, I can say na kapag kasama ko ang mga talents ko sa mga events at parties, they are standing out. Talagang lahat gusto silang makilala,” pagmamalaki pa niya.

    “In he very near future you are going to meet all of them. Like sa aming Victory party which I will call Elite Victory Christmas Party. This is going to be a very big event at dadalo lahat ang mga elites models. There, you can  take a good look at them and judge for yourself.”

    The big event will happen on December 20 atSpace Super Club  located at Morato Extension near Gerrys Grill. At this point, gustong pasalamatan ni Mr. Martin ang club na ito kasama ng iba pang mabait na sposnsors niya like Space Super Club for the venue and drinks, I Hop Restaurant for  the food, Imelda Ramos of Blossom Tree and Gwen Tamayo of Gutbucks Resto Bar, Carla Lizardo and Frederick  Aquino of Personage & PTV 4. 

    Bianca King niligwak na ng GMA 7

    Si Bianca King ang featured actress sa “Wattpad Presents”. She stars with John James Uy in the rom-com, “His  Secretary”. Directed by Soxie Topacio, this  is her second project with them after the mini-series “Obsession” with      Marvin  Agustin. Labids na ikinalungkot ni Bianca na hindi na siya muling pinapirma ng GMA  7 gayung nagpakita  naman daw siya ng matinding loyalty sa network.  Kasalukuyan, Bianca put up her own businesses, a restaurant         called  Runner’s Kitchen in QC and a yoga studio in Makati. “Nakakatuwa naman kasi may next show na uli ako sa     TV5, ang sitcom na ‘Mac & Chiz’ with Derek  Ramsay and Empoy Marquez this January 2015,” she says.    “Nagpapasalamat  na rin ako sa GMA kasi they gave me several good projects, but it’s now time to move on. Wala rin   akong contract with TV5, but at least, magkasunod ang assignments ko with them. Blessing in disguise na rin    siguro na nabakante  ako for a while after GMA kasi I was able to devote my time and attention sa businesses that I     put up.” She’d like to thank her non-showbiz BF, Julio Villafuerte, for acting as her financial adviser. Julio is majoring  in finance and from the well known Villafuerte political clan from Bicol, also the younger brother of Camarines  Sur      Governor Migz Villafuerte. He’s 23 and Bianca is 28 but Bianca says  their 5-year age gap is not really a problem with  hem and they really get  along well with each other. Bianca was previously linked to Patrick Garcia and Dennis   Trillo but she’s obviously much happier now with Julio than when she had showbiz boyfriends.

    Derek Ramsay di pa iiwan ang TV5
    Itinanggi ni Derek Ramsay ang napapabalitang aalis na siya sa TV5 at babalik sa ABS-CBN. Ayon kay Derek sa        presscon last Monday night ng Final Four racers ng The Amazing Race Philippines Season 2, hindi niya  alam kung saan galing ang balitang iiwanan na niya ang Kapatid network.

    “Guys, alam n’yo naman ako, I’m a man of  my words. Sinabi ko po sa  inyo, ang first priority ko is TV5. They’ve been great to me, so, wala namang… “Ewan ko  ung saan galing ’yung lilipat ako, pero hindi po ako  lilipat sa kahit anong network. Hanggang March (2015) pa ang kontrata ko sa TV5 kaya binibigyan pa ako ng mga project and  mayroon pa akong responsibility sa kanila,” paglilinaw  i Derek. 

    Sa ngayon, may mga naka-line-up na palang bagong project si Derek sa TV5 pagkatapos ng  ARP kaya mukhang imposible nga  siyang lumipat sa ngayon.  He’ll be doing Extreme Challenge Kaya Mo Ba  ’To kasama ang  Final Four ng TARP. Ayon sa production, January 12 na ang airing ng nasabing  bagong show saya naiiling na natatawa si Derek dahil baka hindi na  siya makapag-Pasko.

    Mayroon din siyang bagong  teleserye-sitcom with Empoy and Bianca King, ang Mac and Cheese. In fact, mag-uumpisa na raw silang mag-taping   bago matapos ang taon.  “First time kong magku-comedy. Si Empoy ang aking kambal dito sa show na  ito.

    Tapos, siya ’yung matinik sa babae and ako, hindi  ako masyadong marunong sa babae,” saad ng aktor. Nakatakda rin siyang gumawa ng bagong movie under a new  production, ang Bok, na sisimulan na niyang i-shoot sa   first week ng January. Sabihin pa, sobrang busy ng aktor ngayong Kapaskuhan at idagdag  pa nga rito ang    Metro Manila Film Festival movie nila ni Jennylyn  Mercado na English Only, Please under Quantum Films.       

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here