AiAi Delas Alas nahihiya kay PNoy

    459
    0
    SHARE

    NAHIHIYA SI Comedy Queen Ai-Ai delas Alas kay President Noynoy Aquino dahil nadadamay pa raw ito sa marital problem nila ng estranged husband na si Jed Salang.

    Matatandaang nagsalita na ang Malacañang kamakailan na wala raw kinalaman ang Pangulo sa problema ni Ai-Ai at ni Jed bilang sagot sa sinabi ng abogado ng huli na suportado raw ni PNoy ang Comedy Queen.

    Dahil dito ay humihingi ng paumanhin si Ai-Ai sa ating Presidente. “Humihingi ako ng paumanhin para sa sarili ko,” simula ni Ai-Ai nang makatsikahan namin sa presscon ng movie nila ni Marian Rivera, ang Kung Fu Divas.

    “Kasi nakakahiya naman sa Presidente, nakakahiya sa Malacañang na pati ’yung mga pangalan nila, nadadawit sa domestic problem namin ng husband ko.

    “Mali ’yun. Sabi ko nga, next time na magsasalita sana ’yung lawyer niya (Jed), sana isipin niya na ’yung kliyente niya ay may gag order. Na lahat kami, may gag order. Anything (about the case), hindi kami pwedeng magsalita.

    “Ako, ingat na ingat ako na magsalita about that. And maling-mali ’yun and anytime na maisip niya na gusto niyang magpa-interview, magdasal na lang siya para sa mga tao natin sa Zamboanga, sa mga kababayan natin, para hindi ka makapagsalita nang hindi maganda.

    “Kasi, ang dami nang problema ng Malacañang, ang dami nang problema ng ating Presidente, bakit pa naman ako dadagdag? ’Di ba naman, nakakatawa naman ’yun? Nakakatawang nakakaasar.

    “Diyos ko naman, pati love life ko ba naman, iisipin pa ng Presidente natin? Love life nga ni friendship (Kris Aquino), hindi niya iniisip, ’eto pa ba? ’Di ba naman, nakakatawa ’yun? Mamumroblema pa ba siya sa love life ko?”

    Ang payo na lang ni Ai-Ai sa abogado ni Jed, “dapat unang-una, huwag mong ipahamak ang kliyente mo. Kung gusto niyang magpa-TV, kumuha siya ng kliyenteng walang gag order.”

    When asked kung hindi ba puwedeng kasuhan ng contempt ang kampo ni Jed, say niya, “ewan ko, tingnan natin, baka mabwisit ang Malacañang, kasuhan sila.”

    Anyway, hanggang dito lang ang puwedeng sabihin ni Ai-Ai tungkol sa kaso nila ni Jed since may gag order nga sila. Basta sa ngayon ay magku-concentrate raw siya sa movie nila ni Marian bilang ito ang unang pagkakataon na nagkasama silang dalawa since alam naman nating Kapuso talent ang aktres.

    Halatang ginastusan ang pelikula dahil may mga special effects na ginamit sa mga fi ght scenes nina Ai-Ai at Marian. Comedy fi lm ito na may halong action at dream project pala ito ng direktor na si Onat Diaz as in noon pa niya nabuo ang materyal at noon pa niya gustong gawin with Ai-Ai and Marian lang talaga as lead stars.

    Co-produced ng Star Cinema, Reality Films and O & Co Picture Factory ang Kung Fu Divas, and yes, kasosyo rin mismo sina Ai-Ai and Marian.

    Showing na ang pelikula sa October 2 at kasama rin dito sina Roderick Paulate, Nova Villa, Precious Lara Quigaman, Edward Mendez, Bianca Manalo and Gloria Diaz.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here