Sa true lang, napaka-amateur ng dating ng dalawa na talagang pipitsugin lang kung ikukumpara kina Kris Aquino at Boy Abunda. Puwede ring sabihing sisiw na sisiw sila sa triumvirate sa Kapuso network na sina Carmina, Villaroel at Janice & Gelli de Belen. At most, parang nagpa-practice lang sina Ruffa at Ai Ai kaya kumkapa pa talaga sila sa dilim.
O well, ganyan naman talaga, they have to start somewhere pagdating sa pagho-host ng isang talkshow. Di pa nila carry, kumbaga. Given enough time, malay naman natin, makabisado na nila ang kapa ng paghawak ng show.
But of course, opinion namin yan. Yung iba kasi, parang nagsasalitang hopeless na ang dalawa. Kasi raw, masyadong nagsasapawan sina Ai Ai at Ruffa and if this is going to be their attitude all throughout, possible ngang masibak sila nang wala sa panahon. Kung patuloy kasi silang ilalampaso ng SIS, aba kawawa naman sila.
Kaya kung kami ang ABS, ililipat na lang naming ng ibang time slot ang Ruffa and Ai. To a much earlier time para hindi sila masaktan nang husto ng bating na hosting skills nina Carmina, Gelli at Janice. Gamay na ng tatlong ito ang kanilang programa at matagal na nilang natutunan na dapat silang magbigayang tatlo. E sina Ruffa at Ai Ai na parehong may attitude, kaya kaya nilang gawin yun para ma-jell sila’t gumanda naman nang kahit kaunti lang ang show nila?