Ai Ai nagpakasal na sa bagets na BF?

    297
    0
    SHARE
    Ang pagkakaroon ng immigrant visa ni Ai-Ai delas Alas ang dahilan kaya kinailangan niyang pumunta sa Amerika. Mali ang tsismis na magpapakasal sila roon ng boyfriend na si Gerald Sibayan.

    Last September ay inilabas ng US Embassy ang immigrant visa ng komedyana. Kinailangan niyang pumunta sa Amerika upang magamit ’yon at nitong February lamang siya nagkaroon ng mahabang oras upang bumiyahe.

    Wala pa rin kasing project si Ai-Ai. So sinamantala na niya ang bakanteng oras niya upang lumipad pa-Amerika.

    Sa pagpunta niya roon, isinabay na rin niya ang pagbili ng bahay para sa mga anak na sina Sophia at Nicolo.

    Nag-aaral sa States si Sophia habang nagtatrabaho naman si Nico. May sarili ng bahay na matitirhan ang magkapatid kahit na nga nandoon ang ama nilang si Miguel Vera.

    ’Yun ang mga dahilan kaya lumipad sa States si Ai at walang kasalang magaganap sa kanila ng boyfriend. Pagbalik niya rito, ang Mother’s Day at free concert sa Mayo 16 ang gagawin niya. Ang tentative title nito ay I Am Who I Am at sa SM Skydome gagawin.

    Upang makakuha ng ticket sa free concert ni Ai-Ai, magpakita lang ng items o merchandise ni Ai-Ai gaya ng kanyang

    CDs, past ticket concerts at iba pa.

    Abangan kung paano makakapagpalit ng free concert ticket.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here