Natatatawa na ngayon ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas pagkatapos makipaghiwalay sa asawang si Jed Salang. Kumusta na kaya ang puso ngayon ni Ai Ai delas Alas?
“Nasa healing process,” sambit niya nang makatsikahan namin after ng show niya sa Zirkoh, Morato.
Matatagalan pa raw bago siya magmahal ulit pero blooming siya at maganda ang aura ngayon. Bakit kaya?
“Prayers,” ang mabilis niyang tugon.
Natawa naman siya nang tanungin namin kung ano ang masasabi niya sa kasong kinakaharap ngayon nina Claudine Barretto at Sunshine Cruz.
Isang malutong na no comment ang pinakawalan niya.
Samantala, kinumpirma ni Ai Ai na mainstay na siya ng sitcom na Todo Max na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN 2. “Ang pagkakaalam ko regular na ako. Unang-una kasi ang kontrata ko sa ABS-CBN ay guaranteed. So, kapag sasabihin nila na rito ka sa show na ito, susunod ako kasi may suweldo ako e, kailangan kong mag-work,” bulalas niya.
Masaya si Ai Ai na nagkaroon ulit siya ng isang sitcom. “Nakaka-miss ang sitcom e, nakaka-happy siya, ang sarap!”
Natapos nang gawin ni Ai Ai ang Kungfu Diva na pinagbibidahan nila ni Marian Rivera. Showing na ito sa October 2. Kamusta ang bonding nila ni Marian nung ginagawa pa lang nila ang pelikula?
“Ay mabait si Marian, saka malambing. Parati akong may pasalubong sa kanya tuwing may shooting kami,” Puring-puri ni Ai Ai pelikula nila ni Marian.
“Pang-international yung movie namin, maganda talaga,” sey niya.
Dahil kasama niya si Marian sa pelikula at si Angel Locsin naman sa Toda Max, sino ang mas mabait sa dalawang Primetime Queens.
Nagka-bonding na raw sila ni Marian at matagal na nagkasama. Sa ngayon ay kapapasok pa lang niya sa ‘Toda Max’ at ngayon pa lang sila nagkakakilala. Pero noon pa ay gustong-gusto niyang makasama si Angel.