Agra-cadabra, Agra-biyado kami

    351
    0
    SHARE
    Kinondena ng mga mamamahayag sa Bulacan noong Biyernes, Abril 23 ang desisyon ni acting Justice Secretary Alberto Agra na palayain ang dalawang kasapi ng pamilya Ampatuan na sangkot sa Maguindanao Massacre kung saan ay 57 sibilyan ang pinasalang kabilang ang 32 mamamahayag.

    Para daw may mahika si Agra. Aba, iyan ang “Agra-cadabra.”



    Ayon kay Agra, wala daw probable cause para isangkot sa nasabing kaso sina dating Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan at Mamasapano Mayor Akmad Ampatuan.

    Sabi ng mga mamamahayag, “Agra-biyado kami.”



    Hiling ng mga mamamahayag sa Bulacan, dapat tanggalin sa puwesto si Agra na ilang linggo pa lamang na naitatalaga ni Ate Glue bilang Secretary of Justice.

    Sigaw ng mga mamamahayag “kons-AGRA-do ni GMA, alisin!”



    Hindi bago sa Bulacan si Agra. Ayon kay dating Provincial Administrator Gladys Sta. Rita, kaibigan nila ito dahil sa minsan ay nagsilbing election lawyer nila si Agra. Bukod dito, nagsilbing abogado rin ni dating Gob. Josie Dela Cruz si Agra nung sampahan ng kasong libelo ang grupo nina Joey Munsayac.

    Hmmmn, mayroon palang “Agra-rian fans” sa Bulacan.



    Meron ding “Agra-bida” sa Bulacan o mga taong kumontra kay Agra lalo na noong huling bahagi ng 2007 kung kailan naging mainit ang usapin hinggil sa P11-B proyektong Bulacan Bulk.

    Kabilang sa mga “Agra-bida” si ay Bise Gob. Willy Alvarado na nakipagsagutan kay Agra sa Max Restaurant kung saan nagpulong noon ang Sangguniang Panglalawigan.



    Sa panahong iyon, si Agra ang kinatawan ng gobyerno sa Regulatory Board ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil siya ay nasa Office of the Solicitor General (OSG).

    Si Agra naman ang pinuno ng OSG habang dinidinig ang kaso ng ibinasurang Lone District ng Malolos sa Korte Suprema. Ang OSG ang nagsilbing abogado ng Commission on Elections (Comelec) sa petisyong isinampa ng pamilya Aldaba ng Malolos laban sa lone district ng Malolos.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here