Agilang may tama ng bala sa bagwis, nasagip

    595
    0
    SHARE

    LIMAY, Bataan – Isang agila na bali ang kaliwang bagwis dahil sa tama ng bala ng baril ang nasagip sa isang talahiban sa  bulubunduking bahagi ng Barangay Duale, dito  at ipinagkaloob noong Linggo sa wildlife officer ng Department of Environment and Natural Resources sa lalawigan.
    Ayon kay Basilio Sadsad, hepe ng Barangay Tanod sa Duale, isinurender sa kanila ni Joel Tacardon, isang dating sundalo na ngayo’y nasa negosyo ng kiskisan,  ang ibon matapos matagpuan ito noong Biyernes na sugatan sa damuhan.
    Habang nasa barangay hall ng Duale, ang ibon na mahinang-mahina ay sinubuan nila ng isda
    Sinabi ni Mila Ramirez, wildlife officer ng provincial environment and natural resources office sa Balanga, na ang ibon ay isang juvenile na sea eagle na dalawang piye (feet) ang span ng isang pakpak lamang.
    Bata pa umano ang ibon dahil sa balahibo nito sa dibdib na kulay abo samantalang  puti raw ang  may edad ng sea eagle.
    Humuhuni ng malakas o sumisigaw ang agila sa sakit habang sinusuri ni Ramirez ang katawan nito at sinusukat ang bagwis.  Ang mga kuko o claw ng ibon ay nakatikom na ayon sa DENR worker ay indicator na mahina ito.
    “Ipagagamot ko ang agila sa provincial veterinarian at pagkatapos ay maaaring iturn-over namin sa Protected Area and Wild Life Office sa Quezon City sapagka’t hindi pa  puwedeng pawalan sa wild dahil sa mahina ito,” sabi ni Ramirez.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here