Aga sobrang taba

    498
    0
    SHARE
    Lumalabas na alibi lang pala ni Angel Locsin yung sinasabi niya kayMother Lily na kahit gustuhin man niya, di na nito magagawa ang Sharon Cuneta Mano Po movie dahil nga bukod sa exclusive contract star na siya ng Star Cinema, may nakatakda na siyang gawin na movie with Aga Muhlach. Kumbaga, mas gusting unahin ni Angel ang sinasabi niyang movie. Bukod pa raw sa iba pa niyang naunang commitment.

    When asked, sumagot naman si Mother Lily na hindi naman siya galit kay Angel Locsin dahil lang sa pagtanggi nito sa kanyang offer. Hinsi rin daw siya galit kay Malou Santos ng Star Cinema.

    “I love Angel, parang anak ko na siya, ganyan din si Malou Santos, I love her. Kaya lang, ang sinasabi ko lang, dapat alalahanin nila yung commitment nila sa akin, mahalaga yun. But if they cant do it, I understand. Okey lang,”sarcastic na sagot nga ni Mother Lily.

    But did you know na imposible palang magawa ni Aga yung pelikulang earmarked para sa kanila ni Angel. Sobrang taba raw ni Aga at ngayon ay kasalukuyang pang nagpapapayat. May nauna raw commitment si Aga sa ibang company pero di raw talaga puwede dahil sobrang taba ng alaga ni Manay Ethel Ramos.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here