AFP housing site dinalaw ni Robredo

    436
    0
    SHARE
    BOCAUE, Bulacan —- Dinalaw ni Vice President Leni Robredo ang housing projects ng gobyerno para sa mga sundalo sa Baranggay Batia dito nitong Martes.

    Inikot at personal na inalam ni Robredo ang kalagayan ng mga nakatira sa Armed Forces of the Philippines housing project at nagkaroon ng pagkakataon na makausap nang matagal at masinsinan ang mga napagkalooban ng pabahay.

    Hinarap ni Robredo ang daan daang mga residente na nagtipon-tipon sa covered court dahil sa sapin-saping suliranin na kinakaharap ng mga relocatees.

    Partikular na tinukoy ng pangalawang pangulo ang matumal na pagtanggap ng mga militar sa pabahay ng gobyerno dahil sa mga problemang may kaugnayan sa mismong konstruksyon ng bahay na sobrang liit, ng mga kalsada, problema sa supply ng tubig, kuryente at livelihood opportunities.

    Ipinahayag din ni Robredo ang kanyang pagkadismaya sa mga problema ng mga homeowners ang sobrang layo ng lugar sa dako ng pinagtatrabahuhan at eskwelahan na dagdag gastos sa pamasahe.

    Di rin pabor si Robredo sa napakalayong lugar ng paglilipatan dahil sa kalaunan ay bumabalik ang mga Ito sa dating pinanggalingan at mas mainam umano kung sa lugar na lamang na malapit sa pinaglilingkuran manirahan.

    Nasa 4,000 pabahay ang inilaan ng gobyerno sa AFP housing subalit 800 lamang ang okupado dahil sa ayaw ng iba sa lugar at hitsura ng bahay.

    Iisa ang hinaing ng mga residente sa lugar ang sirang kalsada, kawalan ng mapagkakakitaan, napakalayong lugar, walang health center, walang sariling kuntador at umaasa lamang sa sub-meter line, apat na oras lamang na supply ng madumi at mabahong tubig, kawalan ng junior at senior high school, at kakapusan sa serbisyong panlipunan.

    Sisikapin daw ni Robredo na mailapit sa mga tamang ahensya ng pamahalaan para masolusyunan ang mga patong-patong na suliranin sa pabahay program ng AFP.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here