Aetas nagpakitang gilas

    584
    0
    SHARE

    SUBIC BAY FREEPORT — Bilang bahagi sa pagdiriwang sa Indigenous Peoples’ Month nitong buwan ng Oktubre, isang singing contest ang binuo para magpakitang gilas sa pag-awit ang mga katutubong Aeta na naninirahan sa loob ng lupaing sakop ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

    Ang pa-contest ay may premyo na P1,000  sa 2nd runner-up; P3,000 sa 1st runner-up at ang champion ay P5,000, samantalang ang mga matatalo ay tatanggap naman ng consolation prize. May anim na participants mula sa Aeta communities ang naglaban-laban.

    Pumangalawa si Monica Jauna ng Kanawan Aeta Community na  umawit ng “Luha”, 1st runner up naman si Maryrose dela Junta ng Kanawan Aeta Community na umawit ng “How do you see you love me.”

    Champion naman si  Roda Joy Diago ng Pastulan Community nang awitin nito ang “Iisang Lahi”.

    Malaking pasasalamat naman sa SBMA ni chieftain Condrado Frenilla ng Pastulan Community na sa pamamagitan nito ay nabigyan sila ng pagkakataon na maipakita ang kanilang angking talino, at sosyal na aniya sila at nasa malamig na lugar di tulad ng dati sa mga bundok at burol ito ipinagdiriwang.

    Ayon kay SBMA Chairman Roberto Garcia, napakahalaga ang selebrasyon na ito at umaasa ito na lalo pang magpatuloy ang ugnayan sa mga katutubo. Aniya malaki din ang partisipasyon ng mga ito lalo na sa pagpasok ng mga investors sa Subic.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here