Home Opinion ‘Acrylic barrier endangers both the safety of the rider and the...

‘Acrylic barrier endangers
both the safety of the rider and the driver’

828
0
SHARE

HINDI kaya kabobohang maituturing
itong nang dahil sa ang ‘social distancing’
di maipairal sa ‘riding-in-tandem,
ibang pakulo r’yan ang naisip gawin?

Ng nagpanukala, na ‘acrylic barrier’
ang gawing harang sa pagitan ng ‘driver’
at angkas, itong para sa‘tin ‘improper,’
na maglalagay sa dalawa, ‘in danger’.

Kung may masalubong na malaki-laking
sasakyan, sa bilis itulak ng hangin
itong ‘motorcycle,’ ang angkas posibleng
malaglag kasama ang nasabing kambil.

Kundi man parehong silang titilapon
kapag sa lakas ng hangin di makontrol
nitong ‘driver’ ang manibela ng motor,
na posibleng ikapahamak ang gayon.

Di ba katangaan din na masasabi
ng awtor nito na ang mag-‘live-in’ pati
obligadong gawin nila ang nasabi,
gayong magkasama yan araw at gabi?

(Sabi nga ng ‘husband & wife’ na hinuli,
nitong kailan lamang, “eh bakit pa kami
sa ‘social distancing’ sumunod parati,
gayong nagsisiping kami gabi-gabi?)

At ang magkasama sa iisang bahay,
na pati sa oras ng pagkain sila’y
magkasalo, yan ba ay kinakailangan
ding gawin nila ang bagay na naturan?

Kung sa akala r’yan ng may panukala
sa isinabatas na utos daw yata
ni Digong, mayroon solusyong mabisa
para mabisto kung ya’y mag-asawa nga.

Hingan sila ng kaukulang papeles,
na kung saan itong ‘contract of marriage’
ng angkas at driver ay legal o di ‘fake,’
at kung kapamilya, yan naka- ‘indicate’)

At/o kaya dapat may ‘family picture,’
na kaakibat ng lisensya ning Manong,
bilang patunay na kaanak nga itong
lahat ng naka-‘posed’ na kasama roon

Kung kaanu-ano itong naka-angkas,
ganun din at wala nang maraming satsat;
at iyan kung walang maipakita’t sukat,
hulihin at saka pagmultahin dapat.

Kaya para itong ‘acrylic barrier’
ang ilagay sa pagitan nitong ‘driver’
at angkas, di ba’t yan ay delikado Sir?
kaya marapat na i-‘recall’ ang ‘order!

Mas makabubuting ipagbawal muna
ang ‘riding-in-tandem’ kahit mag-asawa
itong magka-angkas, pagkat ang disgrasya
mahirap iwasan sa ating kalsada.

Nang sa gayon ay di kapahamakan lang
ang puedeng idulot n’yan sa taongbayan,
na iniiwas sa ‘virus’ na naturan,
subalit higit ang peligro sa ganyan.

O dili kaya ay para lalong ligtas
para sa ‘driver’ at ganun din sa angkas,
ang ‘acrylic barrier,’ na di ‘safety’ ay huwag
nang pagamit upang walang mapahamak!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here