KUNG TUNAY ngang itong si CJ Sereno,
(na ‘appointee’ yata ni B.S. Aquino)
ay ‘impeachable’ sa di pag-declare nito
ng kanyang SALN at samut-saring isyu
Tulad halimbawa ng umano’y sobrang
bagal ng pag-resolba sa iba’t-ibang
kasong inabot na sa ‘highest tribunal’
ng ika nga ay di lang ng siyam-siyam
Kundi nang mahigit pa sa limang taon
na di nabigyan ng karampatang aksyon,
kung saan aywan lang ‘yan sa ating punong
mahistrado ay tunay ngang ‘applicable’
Pagkat kung totoong may mga kaso r’yang
sa korte suprema ay mapatunayang
lampas na sa ‘given period’ na kailangang
maresolba… siya’y may pananagutan.
Aywan nga lang kung sa ‘regular court’ siya
haharap o sa ‘committee on justice’ ba
ng ‘congress, senate’ o sa mismong tribuna
kung saan siya ang kwenta hepe nila?
Pero ano nga ba’t ayaw niyang lisanin
ang ‘Supreme Court’ gayong kung pakaisipin
ni CJ Sereno, ‘yan ay maituturing
na ‘abuse of power and authority’ rin.
‘If the full power to appoint a Chief Justice
Lies with the President’s confidence, so be it
CJ Sereno must voluntarily quit
Her post whether the same thing has no term limit.
‘Por delikadesa’ ay marapat lamang
na siya itong kusang magbitiw sa tangan
niyang posisyon sa Kataastaasang
Hukuman ng bansa sa kasalukuyan.
‘Yan ay kundi rin lang naman permanente
ang puestong sa kanya ibinigay bale
ni PNoy nang siya pa itong presidente,
upang maipuesto ni Mr. Duterte
Ang sa ganang kanya ay okey talaga
ay karapatdapat humawak kumbaga
sa kataastaasan nating tribuna,
ngayong may ‘multiple cases’ itong isa.
Napag-usapan na rin lang natin itong
hinggil sa umano’y ating mga hukom,
na ‘it takes so long before a resolution
be issued by others’ talamak sa ngayon
Dito lang sa atin, partikular na r’yan
sa ‘Angeles city jail’ nakakulong d’yan
ang anak ng isa nating kaibigan,
na isinangkot lang sa kasong kriminal
Nakapagtatakang kung bakit ang kaso
ay di dinidismis ng Juez umano
pabor sa anak niya gayong sa husgado
di na sumisipot itong nagreklamo
At kung ilang ‘hearing’ na ang nakaraan,
na ni anino r’yan ng ‘private complainant’
di na nga makapa pero patuloy pang
nagse- ‘set’ ng bista ang Juez na may tangan.
At hanggang ngayon ay nakakulong pa rin
ang kaawa-awang di pa maituturing
na ‘convict’ pero ang puso at damdamin
ay saklot na ng pagdurusa’t hilahil.
Hanggang kailan kaya ang sistemang bulok
sa inaakalang patas na ‘trial court,’
tuluyang bumuti at magispagkilos
nang naaayon sa batas na maka-Diyos?!