BALANGA City, Bataan: Special non-working holiday ngayong Miyerkules, Abril 2, sa Bataan bilang paggunita sa kaarawan ng makata at manunulat na si Francisco “ Balagtas” Baltazar.
Si Baltazar ay isinilang sa Bigaa, Bulacan noong Abril 2, 1788 ngunit nakapag-asawa sa Orion, Bataan at matagal nanirahan dito hanggang siya’y pumanaw.
“Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Francisco “Balagtas” Baltazar, binabalikan natin ang mga makapangyarihang tula at kwento na nagbigay-buhay sa ating panitikan,” pahayag ni Bataan Gov. Jose Enrique Garcia 3rd.
“Ang kanyang mga akda, tulad ng Florante at Laura, ay patuloy na nagsisilbing gabay at inspirasyon sa mga henerasyon ng mga Pilipino. Isang pagpapahalaga sa kultura, wika, at kasaysayan ng ating bansa,” sabi pa ng governor.