Home Opinion Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?

Aanhin pa ang damo
kung patay na ang kabayo?

1673
0
SHARE

KUNG naging maagap ang ating gobyerno
na maiwasan ang mahawaan tayo
ng ‘corona virus,’ sana hindi ito
muna nagpapasok d’yan ng kahit sino.

Partikular na riyan ng sa China galing
na mga turista o kabayan natin,
nang mapabalita na nga itong hinggil
d’yan sa ‘Covid-19 na ‘deadly’ ang dating.

Disin sana hindi lumaki ang bilang
ng naging biktima’t mga nahawaan
nitong kakaiba ang ‘virus’ na taglay
ng pandemyang walang sinasantong buhay.

Na hanggang sa oras na ito patuloy
ang pananalasa sa lahat ng rehiyon,
at ang D.O.H. na animo ay pagong
kung kumilos ang siyang may hawak sa timon.

At ang inu-una, pagkakakitaan
yata ng pinuno kaysa hanapan n’yan
ng akmang solusyon, pero tameme lang
din naman pati na itong Malakanyang.

At hanggang ngayon ay wala pa ni isa
man lang sa gamot na inirekomenda
ng mga doctors at nitong marami pa,
na nagsabing ito’y mahusay talaga

Di ko sinasabi na itong bakuna,
na abot-kamay na natin di mabisa,
pero ayon na rin sa napabalita,
wala pa rin namang katiyakan yata;

Na wala nang sa’tin posibleng mahawa,
o kahit na tayong nabakunahan na
ay di pa rin ligtas na muling tablan pa,
kaya suma total ay wala ring kwenta?

Di mas hamak pala na makagagaling
sa mga biktima nitong Covid-19
ang napabalita r’yang ‘Ivermectin’
at itong isa pang tawag ‘Remdesivir’?

Kung saan base sa WHO mismo
itong ‘Ivermectin’ ang mas epektibo
base na rin d’yan sa nakasubok nito
ng mga kilala’t respetadong tao.

Na kagaya riyan ng maraming pabor
na ng nakasubok na sina Defensor,
Marcoleta, saka ni Attorney Gadon;
sina Isko’t Eric naman itong tutol.

Sa dahilang itong gamot na nasabi
di pa raw ‘tested’ ang bisa nito kasi,
gayong itong isa ‘40 years’ na pati
ang ‘existence’ nito sa madaling sabi.

Kung saan ito nga’y nakapagpagaling
ng iba pang sakit at ng Covid-19,
bagama’t ang gamot na ya’y sinasabing
para sa hayop ay sa tao puede rin?

Kung ang dugo ng makamandag na ahas
ipinapainom nitong mga Tawak
sa ginagamot n’yan ang nabigyang lunas,
ito pang subok na ang hindi ligtas?

Para maghintay ng ng ilang araw, buwan
upang ang bisa ng gamot na naturan,
mapatunayan na epektibo nga yan,
ilang libo pa r’yan itong mamatay?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here