Home Headlines A revamp of public sectors and agencies is a must

A revamp of public sectors and agencies is a must

404
0
SHARE

Sa akala kaya ng ating Pangulo
makabubuti sa Administrasyon nito
ang isama pati hindi kapartido
sa pamamahala niya sa gobyerno?

Kung saan hayan at ang binuo niyang
‘Uniteam’ halatang panimula pa lang
ng pagkakaluklok sa kani-kanilang
puesto, umabuso na itong iba riyan.

Partikular itong sa Agri at Custom,
dumami, imbes sa lumiit sa ngayon
ang bilang ng mga ika nga ay kampon
ng mga dorobo, pati riyan sa Bucor.

Kung saan ang droga at ibang pang bawal
na gamot at saka ikinakalakal
pati prostitusyon ng ilang opisyal,
na tumababo sa lahat ng illegal.

Sa Agrikultura,ultimong sibuyas
ginawang negosyo ng ilang hayupak
na namamahala riyan sa pag-angkat
ng kung anong maryrun din ang Pilipinas.

Gayong ang totoo, sa Nueva Ecija lang
may sapat na ani ang magsasaka riyan,
kundi nang dahil sa itinatago yan
ng mga ‘traders’ ay di magkakaganyan.

Lumobo pati na ang kriminalidad
sa lahat ng dako nitong Pilipinas,
sanhi nang pati na alagad ng batas
sangkot na ang riyan sa pagtutulak.

Paano nga kasi, sa bawat matiklo
at/o mahulihan ng lintik na shabu,
inire- ’recycle’ yan ng pulis mismo
na nakadakip ng nagtutulak nito.

Maniwala’t hindi si pangulong Bongbong
ito’y talamak na’t nangyayari ngayon
sa maraming lugar, gaya ng sa rehiyon
na may aktibidad ng ‘Online na Sabong’.

At iba pang bisyong di kaaya-aya,
gaya ng regular na sabong talaga,
na kung saan hangang ngayon ay ‘missing’ pa
itong di malaman kung saan napunta.

Di ko sinasabing ‘demolition drive’ yan
para sirain ang nasa Malacaniang,
nitong sa akala niya’y kasanggang tunay,
pero hindi pala’t ahas ang kabagay.

Itong paglobo riyan ng presyo ng lahat
ng bilihin, tulad na lang ng sardinas,
asukal at iba nating ‘local product’
yan kay PBBM ay pasaning mabigat.

At posibleng ito ang magiging daan
sa biglang pagbaba nitong ‘trust ratings’ nyan,
kaya bago maging huli ang dapat niyang
ikilos, reporma ang kinakailangan.

Ang ipinangako niyang pagbabago
gawin na at siyang ipatupad nito;
At huwag hintayin ang taongbayan mismo
ang umaksyon upang ibaba sa puesto!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here