Ay di ‘Filipino’ at kwestyonable ring
(Gaya ng sa ‘Tatay’ nang yan humabol din)
Eh, bakit ngayon lang naisip kwestyonin
Ng kung sinu-sino ang hinggil sa tunay
Na citizenship ni Grace Poe, at kung saan
Lahat na nga yata ay hinahalukay
Para sirain ang kredibilidad niyan?
At baka imbes na makasira kay Poe,
Ya’y makaragdag sa simpatya ng tao?
Na magiging daan para siya iboto
Sakali’t tumakbo sa pagka-Pangulo.
Kung anong klase ng mentalidad may’ron
D’yan nasusukat ang karaniwang Pinoy,
Sapagkat kung alin nga ang ‘talk of the town’
Ay s’yang mas gusto ng ibang voters ngayon.
At ang isa pa rin nating kahinaan
Ay ang sobra nating pagka-sentimental;
Nagiging susi sa pag-angat ng ilan
Ang ating simpatya’t pagka-mapagmahal.
Kasi kung alin ang minsa’y binabato
Ng putik – gaya ng kaso ni Ms. Grace Poe
Ay siyang kadalasan pang ini-idolo
Ng nakararaming manghahalal mismo,
Natural lamang na itong isyu hinggil
Sa citizenship ng ampon daw ni ‘Da King’
Ay lalo pa nitong ikasikat mandin
Ngayo’t pinipilit nilang halukayin.
Ang tunay na pagka-mamamayan niya
Bilang kalipi o isang Filipina,
Eh bakit nang si Grace ay humabol siya
Bilang Senador ay pinalagpas nila?
At ngayon lang sila parang nagka-‘daga’
Sa dibdib nang si Grace baka humabol nga,
Di gaya nang unang siya’y pumagitna
Sa larangan itong balon ng hiwaga?
Pero kung ya’y dito pala ‘pinanganak
At dito na rin siya lumaki at sukat,
Sa anong punto pa ba ng legalidad
Hinahanapan si Ms. Grace Poe ng butas?
Ano’t sa ‘National Archive’ o NSO
Ay di hanapin ang talagang totoo,
Na magpapatunay na talagang si Poe
Ay rehistrado nga sa tanggapang ito?
Ano pa mang data na nakatala r’on
Ay di basta na lang nila naduduktor,
Kaya kung peke nga ang papeles na ‘yon
Ay napakadaling matuklasan ngayon.
At kung kailan si Grace ay nag-Senador na
Ng kung ilang taon saka pa natin siya
Kukulitin hinggil sa citizenship niya?
Yan sa ganang akin pagka-impokrita!
Kasi nga, kung kailan nakapanungkulan
Si Ms. Grace Poe bilang ating Senador diyan
Ay saka lang nila biglang naisipan
Na kwestyonin siya sa citizenship niyan?
Ano’t-ano pa man, sa nasabing isyu,
Ang mahalaga r’yan malaman ng tao
Kung ang bagay na ya’y talagang totoo
O haka-haka lang din yan ng kung sino;
Pagkat kung tunay ngang ang ‘citizenship’ niya
Ay ‘one hundred percent’ (100%) Filipina siya,
Baka ng dahil kay ‘Da King’ ay siya na
Ang tangkilikin ng kapwa Filipina!