A legacy of “Nanay Baby”

    378
    0
    SHARE
    MATAPOS ang halos sa tatlong dekada
    ng paninilbihan ni Madam Pineda
    bilang ‘public servant,’ nagpahiwatig na
    ang butihing ‘Nanay’ ng taga Pampanga

    Na umano’y handa na siyang magretiro
    sa pulitika at serbisyo publiko;
    At sa Cabalens ang tanging nais nito
    makapag-iwan ng magandang ehemplo

    O nang kumbaga ay ng pamanang ginto
    na walang pagkupas at di naglalaho;
    (Gaya ng kung ano ang ipinangako,
    ginagawa at di kailan man napako!

    Ang pagtiyak ni Gob nitong katuparan
    ng mga pangarap n’yang maging No.1
    itong Pampanga sa buong kapuluan
    ‘in terms of progress’ ay atin nang nakamtan.

    Kung saan kumpara sa ibang probinsya
    ay talaga naman ding kataka-taka
    kung papanong nahigitan itong iba
    gayong kailan lang ay guho ang Pampanga

    At natatambunan ng halos gabundok
    na lahar, sanhi ng biglaang pabsabog
    ng Mt. Pinatubo, na siyang nagdulot
    sa taga Pampanga ng matinding dagok.

    Na kung saan muntik nang lubus takasan
    ng lahat ang bayan nilang sinilangan
    nang dahil sa sila’y walang mapagkunan
    ng ikabubuhay sa kanilang lugar.

    Pero nang maupo na si Ed Panlilio
    na sinundan ni ‘Nanay’ sa Kapitolyo
    (matapos ang isa lang nitong termino)
    nagsibalik muli sa Pampanga mismo

    Ang nakararaming nating kababayan
    na nabuhayan ng puso’t kalooban
    sa malaking pagbabagong nasaksihan
    nila sa sarili nating lalawigan.

    Na di akalain lalo nitong iba
    pagkat tunay namang ang ating probinsya
    sa lahat ng bagay ay lubhang kakaiba,
    kung ating balikan ang kanyang istorya.

    (Sino pa nga naman ang mag-aakala
    na ang Pampanga ay maka-ahon pa nga,
    sa tindi ng animo ay pagkadapa
    nito sa lusak ng pagkapariwara?).

    Pero, kumusta na ngayon ang Pampanga?
    Di ba’t ito ngayon ay asensado na
    at lahat halos nang ikagiginhawa
    ng taga rito ay tinatamasa na?

    Kasi ginagawa nga ni ‘Nanay Baby’
    ang lahat ng kanyang makakaya pati
    para sa Pampanga – at di pangsarili
    niyang kapakanan ang iniintindi.

    Kundi ang para sa mga mamamayan
    nitong probinsya ang pinangangalagaan,
    upang ang lahat ng serbisyong kailangan
    ng tanan, magawa niyang maibigay.

    At sana, ang kwenta natitira pa niya
    na huling termino’y maging mabunga pa
    upang di mabigo ang hangarin nila
    ng ngayon ay Solon nating si Mam Gloria!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here