Home Opinion ‘A grave abuse of discretion’

‘A grave abuse of discretion’

732
0
SHARE

DI KAYA sanhi ng kaliwa at kanan
na sakit ng ulo r’yan ng Malakanyang
ang naging mitsa ng tila madaliang
kay Pemberton pagpa-laya nang tuluyan?

Kung saan malinaw na ‘absolute pardon’
itong iginawad ni Pangulong Digong
sa isang mamamatay-taong tulad nitong
sundalong Kano na si Joseph Pemberton;

Na pumatay sa isang ‘transgender woman’
sa loob ng otel nang ya’y mahalatang
hindi pala tunay na ‘bebong’ ang kanyang
itsineck-in para gawing parausan?

May katuwiran siyang magalit sa puntong
niloko siya nitong nagpanggap na ‘bebong,’
pero para patayin ‘yan ni Pemberton,
dahil niloko siya di sapat na razon.

Saan pa mang bansa na ginagalawan
ng sibilisadong mga mamamayan
ang may karapatang ilagay sa kamay
n’yan ang pagkitil sa buhay ng sinuman.

Ga’no man kabigat ang nagawang sala
ni Laude, na isang ‘bading’ ay hindi niya
dapat ginawa kung may pag-iisip siya,
at sa sarili may pagpapahalaga.

Nakapatay siya dahil sa kawalan
ng ‘self control’ at ng kakaibang tapang,
kung saan sundalo manding naturingan,
pumatol sa walang tsapa sa harapan.

Isinampa laban sa kanya ang kasong
pagpatay kay Laude, at ang naging hatol
‘six years lang yata o mga ilang taon,
(gayong mabigat ang kaso ni Pemberton).

Na katakatakang sa loob pa mismo
ng Camp Crame lamang ikinulong ito;
at di sa ‘Bilibid of Prison’ umano,
na hayan, siya ay di lang parolado.

Kundi ng higit pa sa ‘absolute pardon’
matapos lamang ang mga ilang taon;
Kung kaya sanhi ang dami r’yan nitong
na-‘shock’ sa desisyon ni Pangulong Digong.

Anong kapalit ng pagpapalaya niya
kay Joseph Pemberton? Ang tanong ng masa:
Yan baka sanhi lang ng ibang bagay na,
ayaw niyang ihayag kung ano talaga?

Saklaw nga ba kaya ng kapangyarihan
ng ating pangulo ang panghimasukan
n’yan ang kapakanan ng isang kriminal,
na kagaya nga r’yan ng taong naturan?

Na bagama’t mayrung panuntunang batas
itong mahal nating bansang Pilipinas,
subalit nagawa ni Digong ang lahat
upang sa ‘BuCor’ di humimas ng rehas.

At nagawa pati ni Pangulong Digong
na maisalba niya itong si Pemberton
sa mahabang taon na pagkakulong
sa pamamagitan ng ‘absolute pardon’.

Maliban sa siya’y sa Crame ‘extension’
ng ‘BuCor,’ libre komida si Pemberton;
na kung saan kwenta ito nagbakasyon
lang siya sa Crame at parang nagbakasyon!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here