Sino ba talaga sa isyu nitong SAF,
Na napatay dahil sa kawalang ganap
Ng chain of command d’yan ng nakatataas,
Ang dapat managot sa nangyari’t sukat
Sa kaawa-awamg mga kapulisan,
Na ‘civilian in nature’ ang kalagayan
Pero isinabak sa isang pang-militar
Na gampanin hindi marapat aksyonan.
At nang dahil sa palpak na operasyon,
Na umano’y kwenta si Pangulong Pnoy
Ang dapat idiin sa pangyayaring iyon,
Sanhi ng walang sapat na koordinasyon.
At wala sa lugar na atasan niya
Si dating PNP Chief Al Purisima,
Na pakialaman ang misyong di dapat na
Pamunuan man lang pagkat ‘on-leave’ siya
At di na-aayon sa ‘official duty’
Ng kahit sinumang ‘government employee,’
Ang suspende siya pero pinangyari
Ni PNoy, ang ito’y makisawsaw pati
Sa kung anong bale kapasidad nito
Na opisyal nga siya pero suspendido,
Dito pa kaya sa bagay na ganito
Na maselan, saka lubhang delikado
Dapat iatas ang bagay na naturan,
Gayong marami pang ‘PNP official’
Na kagaya nina Espina’t iba pang
Mga heneral ang marapat atasan?
At ngayon pati na di dapat sisihin
Sa pagkamatay ng kapulisan natin,
Na natoka para si Marwan ay dakpin
Ay ninanais din bang papanagutin?
Ang kagaya nina Espina’t Lapeñas,
Na ni di alam ang lakad na pumalpak?
Ganun din yata kay Secretary Roxas,
Nitong DILG, itinago’t sukat?
Gayong sa totoo lang ay si PNoy yata
At si Purisima ang dapat igisa
Ng ‘Board of Inquiry’ sa pagsasagawa
N’yan ng nararapat na aksyon ika nga.
At sana kung sino mang dapat managot
Sa pagkamatay d’yan nitong lahat halos
Ng SAF o itong ating ‘Special Action Force’
Ay kinakailangang makastigong lubos
Nang sa ganun makaluwag sa damdamin
Ng mga naiwan nitong naging ‘victim’
Ng matinding kapalpakang nitong ating
Sa gobyerno may mataas na tungkulin
Tulad halimbawa ng Pangulo mismo,
Na naghugas kamay sa nasabing isyu;
Gayong malinaw na pumalpak nga ito
At siya talaga ang pasimuno nito.
At kung sinu-sino ang itinuturo
Nitong bawat isa para maitago
Itong kapalpakang nais ipa-ako
Yata ng Pangulo sa kung sino nga po?
Nawa’y makonsensya itong lahat-lahat
Na may kinalaman diyan sa pumalpak,
Na operasyong di n’yan ganap na binalak
Ang posibleng kahantungan ng ating SAF
Na lubhang binaboy ng mga rebelde
Ang pagkamatay ng SAF nitong PNP,
Kung saan patay na’y dinurog n’yan pati
Ang mukha at dibdib sa paraang grabe.
Kung sa inyo kayang mga kapamilya
Gawin ang ganyan ay matutuwa ka ba?
Aba’y kahit man lang kakaunting konsensya
Ay magkarun kayo, at ng disiplina!