Tarzan for speedy delivery of justice

    638
    0
    SHARE

    Bunsod ng marapat at lubhang mahigpit
    Na pangangailangan para mapabilis
    Ang pagtugon ng ‘delivery of justice’
    At saka iba pang mga ‘judicial needs’

    Ng Mabalacat at bayan ng Magalang
    Na walang sariling Korte Municipal,
    Kaya marapat lang na sila’y mabigyan
    Na mga ‘trial courts’ sa kanilang lugar

    Ayon kay Congressman Carmelo Lazatin
    Nitong ‘1st District of our beloved province’
    Kaya naisipang magsumite ng Bill,
    Na direktang tumutukoy sa layunin

    Ng butihing Kinatawan (ng Pampanga)
    Na magkaroon yan nitong hiwalay na
    Husgado sa bawat isa sa kanila,
    Kaysa sa Angeles city pa magpunta

    Para lamang dito magsampa ng kaso
    O harapin n’yan ang anumang asunto;
    Na lubhang malayo at magastos piho
    Ang bumiyahe sila paroon, parito

    At napakalaking abala rin naman
    Sa lahat ang sanhi ng sila’y wala niyan,
    Lubhang mahalaga sa naturang bayan
    Ang magandang panukala ni Congressman.
     
    Na sukat bigyan ng positibong pansin
    Nitong ating mga ubod ng gagaling
    Na Representante sa Batasan natin
    Hanggang sa umabot ito sa 3rd Reading

    At tuluyang maging isang Republic Act
    Upang ang Magalang at ang Mabalacat
    Ay di na kailangang dumayo at sukat
    Sa Angeles – at d’yan lalong makaragdag

    Sa bilang ng mga kaso sa Hukuman,
    Na ang iba’y halos di nabibistahan,
    Dala na rin nitong kadalasa’y kulang
    Ng sapat na oras upang maharap yan

    Maliban pa kung di man si Judge ang ‘absent’
    Sa oras ng ‘hearing,’ madalas ‘postponement’
    Naman ang sanhi kung bakit laging ‘reset’
    Ang bista, nang dahil sa ibang ‘appointment’

    Nitong alin man sa magkabilang ‘counsel’
    Na ni pasabi ay hindi nagparating
    Sa Korte o sa mismong kliyente na rin,
    Kaya postponed tiyak ang ‘scheduled hearing’.

    At ang pobreng kliyente sa puntong naturan
    Itong palagi nang sumusuntok sa buwan,
    Pagkat bayad man siya para sa ‘appearance’
    Ng kanyang attorney ay bale wala lang. 
     
    Kaya nararapat na masusugan din
    Ng pinakamasipag at ‘Most Outstanding’
    Na Kinatawan ng lalawigan natin
    Ang isinusulong nitong magandang Bill

    Na kung saan dapat mabigyan din naman
    Ng proteksyon itong mga may kaso riyan
    Sa ating husgado sa pamamagitan
    Ng pagtatakda ng mga panuntunan.

    (Gaya na lang nitong bagay na nabanggit
    Na talaga namang di kanais-nais;
    Sana huwag naman din nating maging ‘practice’
    Ang sumingil kung di aktual na nagamit

    Pagkat sadyang mayrun din naman talaga
    Nitong ang bansag ay “lagareng hapon” ba?
    Na kahit di kayang harapin lahat na
    Ay tinatanguan para lang kumita.)

    Sa puntong nasabi ay napapanahon
    Ang panukalang Bill ng butihing Solon;
    Na kung saan pihong liliit na ngayon
    Sa lungsod ang kasong laging nakabunton.

    Pagkat ang Magalang at ang Mabalacat
    Ay mabibiyayan na rin yan sa wakas
    Ng sarili nilang ‘court of justice’, oras
    Ang panukala ni Tarzan maging batas!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here