DAR usad pagong kung umaksyon

    346
    0
    SHARE

    Kung ilang taon ng sa DAR nakabimbin
    Ang usapin hinggil sa nabili naming
    Kapirasong lupang ‘home lot’ kung tawagin
    Sa ahensyang ito ng gobyerno natin.

    Na dati’y bahagi ng lupang sakahang
    ‘Landed Estate’ at ang ‘beneficiaries’ niyan
    Ay kung sino bale ang ‘actual occupants’
    Ng mga ‘home lot’ na kwenta itong Land Bank

    Ang siyang may hawak at bale naniningil
    Sa mga ‘occupants’ ng mga nasabing
    ‘Home lots’ sa dahilang sa bangkong yan galing 
    Ang ipinambayad ng gobyerno natin
     
    Sa naturang lupa na pag-aari riyan
    Ng angkang Gonzales – at ang opis ng DAR
    Ang nangangasiwa o ‘implementing arm’
    Sa anong marapat sunding patakaran

    Bago mailipat ang mga titulo
    Ng lupa sa lahat ng benepisyario,
    Kabilang ang bawal ipagbili ito
    O isangla man lang kahit na kanino

    Maliban lang sa kung anong nasasaad
    Na probisyon at kung saan tanging anak
    O isang malapit lang na kamaganak
    Ang puedeng magmana pagdating ng oras

    Na mamatay itong ‘allocatee’ bilang
    O ‘beneficiary’ ng programang iyan
    Ng ating gobyerno na hawak nga ng DAR
    Ang pamumudmod sa kinauukulan

    Na nilabag nitong si Felicitas Cruz,
    Nang isangla nila at di na natubos
    Sa isang Rural Bank hanggang sa natapos
    Ang kung ilang taong bigay na ‘grace period’

    Para mabayaran ang pagkakautang
    Hanggang sa ibenta ng pinagsanglaan
    ‘In a public auction sale’ ng kaliwaan,
    At ako nga itong ‘buyer in good faith’ niyan.

    Ganyan lang kasimple itong aming kaso
    Laban sa dating ‘beneficiary’ nito,
    Pero hanggang ngayon ‘pending’ pa rin ito
    Sa opis ng ‘presiding officer’ mismo

    Ng PARAB, sa Lungsod nitong San Fernando
    Gayong ang usaping ya’y galing na rito
    At na- elevate na sa Regional ito,
    Sometime in 90’s or seventeen years ago

    Pero nagrigodon at ya’y ibinalik
    Sa PARAB sapagkat ang mga papeles
    Na dapat umusad sa Regional Office
    Ay ibinasura nitong may interes?

    Na i-reverse nila ang Recommendations
    Ng ‘lower branch’ pagkat kay ‘yours truly’ pabor
    Ang isinumiteng mga ‘findings’ noon
    Base sa resulta ng ‘imbestigation’

    Ni Legal Officer Henry Macalino,
    Na sinang-ayunan o ‘affirmed-in-toto’
    Kay Atty. Mer Cunanan kung kanino
    Sa amin nina Cruz dapat i-award ito.

    Na aywan kung bakit di pa rin ma-resolve
    Ng ahensyang ito ang halos nilumot
    Na naming usapin kung di hokus-pokus
    Ang posibleng sanhi ng lahat sa loob?!!!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here