SAMAL, Bataan — Dagsa ang mananampalataya sa unang Simbang Gabi bilang anticipated Mass sa Catholic at Aglipay churches dito nitong Biyernes.
Nagsimula ang Misa ng alas-7 ng gabi sa Samal Catholic Church at alas-8 naman ng gabi sa Iglesia Filipina Independiente (IFI) o Aglipay Church na parehong nasa Parokya ng St. Catherine of Siena.
Puno ang Catholic Church at maging sa labas ng simbahan ay may mga tao samantalang marami rin ang nagsimba sa IFI.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Josue Enero ang unang Simbang Gabi ng Catholic Church at si Rev. Fr.Celso Dilignama n sa Misa ng IFI.
Sa kanyang homily, sinabi ni Fr. Dilig na ang unang Simbang Gabi ay paghahanda sa pagdating ng Panginoong Hesucristo hindi lamang sa material na paraan kundi sa ispiritual
Hanggang siyam na araw magkakaroon ng Simbang Gabi ang dalawang simbahan. Hinimok ni Fr. Dilig ang mga tao na tapusin ang siyam na araw at hindi magsimba lamang sa una at sa pangwakas na araw.
Maraming nagsisimba ang nangangakong tatapusin ang siyam na Simbang Gabi sa hangaring matupad ang kanilang kahilingan.
Ang anticipated Simbang Gabi ng Catholic Church ay tuwing alas-7 ng gabi ng Dec. 15 – 23 samantalang ang regular Simbang Gabi ay tuwing alas-4 ng madaling araw ng Dec. 16 -24.
Ang anticipated Simbang Gabi naman ng IFI ay tuwing alas-8 ng gabi ng Dec. 15 – 23 at ang regular na Simbang Gabi ay simula ng alas-4 ng madaling araw ng Dec. 16 – 24.