Home Headlines 1 sa 2 gunmen sa NE bus slaying arestado

1 sa 2 gunmen sa NE bus slaying arestado

517
0
SHARE
Suspek Allan Delos Santos na hawak na ngayon ng Nueva Ecija Police. PNP photoontrib

LUNGSOD NG SAN FERNANDO — Naaresto na ng Philippine National Police ang isa sa bumaril sa mga biktimang sina Gloria Quillano at Arman Bautista na lulan ng Victory Liner bus sa bahagi ng Barangay Minuli, Carranglan, Nueva Ecija noong Nov. 15.
Sa isang press conference nitong Dec. 12 ng Special Investigation Task Group Atilano and Bautista sa Police Regional Office 3 sa Camp Olivas ay inihayag na naaresto na ang isa sa dalawang gunman na kinilalang si Allan Delos Santos.

Si Delos Santos ay naaresto noong Nov. 20 sa Dilasag, Aurora matapos na kilalanin ng mga testigo at natuklasan na mayroon itong warrant of arrest dahil sa mga kasong statutory rape at sexual assault.

Nang maaresto ay inamin nito ang kanyang partisipasyon sa krimen at inupahan lang daw sila ni “Tisoy” na anak ng biktimang si Gloria Atilano na patayin ang kanyang ina at si Bautista.

Ang kontrata ay halagang P120,000 para patayin ang mga biktima at bago gawin ang krimen ay may paunang bayad na si “Tisoy” ng P20,000 ngunit ani Delos Santos ay hindi na nabayaran ang kakulangan matapos ang insidente.

Si Delos Santos ay nasa kustodiya na ng Nueva Ecija Police habang ang isa pang gunman na kinilala sa alyas “Umpak” ay tinutugis na ng PNP.

Si Delos Santos ay sinampahan ng kasong two counts of murder habang kasama din sa kinasuhan si Umpak; ang driver na naghatid sa dalawang gunman; ang anak ni Atilano na si “Tisoy” at live-in partner nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here