Naguit has his priorities right

    430
    0
    SHARE

    Ilang Alkalde dito sa Sentral Luzon
    Itong kamakailan ay di lamang honor
    Mula sa ‘ting Department of the Interior
    and Local Government ang nakuhang pabor

    Kundi pati na rin ang tumataginting
    Na isang milyong piso na iniabot din,
    Bilang ‘cash reward’ sa lahat ng Alkaldeng
    ‘Awarded’ din namang ‘Seal of Good Housekeeping’.

    Sa mga nabigyan dito sa Pampanga  
    Ng karangalang yan ay kasama sina:
    Naguit ng Minalin at ang dalawa pa
    Na parehong manding kabaro ni Eba.

    Ang isa, si Mayor Leonor Capule-Wong
    Ng umaasensong bayan ng San Simon;
    At ang isa ay ang Sasmuan town mayor
    Na di ko kilala, (kaya di matukoy).

    Pero iilan lang sa ‘ting pagka-alam
    Ang may tiyak na planong pag-gagamitan
    Sa perang natanggap, na kinakailangan
    Nilang tumbasan sa local revenue n’yan

    Para sa kung anong proyektong marapat
    Masimulan sa kanilang komunidad;
    At para sa kapakanan nitong lahat
    Ng nasasakupan gamitin at sukat.

    Sa iilan, na may depinidong plano
    Hinggil sa kung saan gagamitin ito
    Isa ang Alkalde ng Minalin dito
    Sa napakahusay sa ‘budgeting’ nito.

    At talaga namang ang mga balakin
    Ni mayor “Katoy” sa bayan ng Minalin
    Ay kapuripuri at magaganda rin
    Kaya marapat lang na siya’y tangkilikin.

    Matapos nitong makapagpasalamat
    Kay Pangulo, Rebredo at lahat-lahat
    Na naging katuwang sa pamamalakad
    Ng butihing mayor sa munisipalidad;

    Kasama na riyan ang mga ‘department heads’
    Sangguniang Bayan at ‘fellow employees’
    Para sa lubos na suporta kay Naguit
    Kaya ang naturang ‘award’ ay nakamit.

    Noon din ay dagling kanyang inilaan
    Ang natanggap nitong Performance Challenge Fund
    Pati na rin ang ‘LGU’s counterpart fund’
    Para sa konstruksyon ng school buildings diyan

    Na higit sa ibang marapat tutukan
    Ayon kay mayor ay ang pangangailangan
    Ng Minalin nitong mga karagdagang
    ‘School rooms’ para sa mga nag-aaral.

    Kung saan sa lahat ng plano ni Mayor
    Ang ‘first priority’ nito’y edukasyon,
    Kaya naman hayan para makatulong
    Ay nangalap pati ng magiging ‘donors’

    Para sa kanilang ‘scholarship program’
    Upang mabigyan ng suportang pinansyal
    Ang mga kapos-palad na kabataan,
    Na di kayang paaralin ng magulang.
     
    Kung saan para lamang makapangilak
    Ng sapat na pondo siya ay sumulat
    Sa mga Kabalen sa State, at lahat
    Ng puedeng lapitan sa ibayong dagat.

    At nangyari naman ang inaasahan,
    Dahil tinugon ng lahat ng kabayan
    Ang 10 US$ na ‘monthly remmitance’
    Nitong halos isang daang individual.

    Na regular nga raw pong nagpapadala,
    Kaya naman lahat ng ‘scholars’ niya
    Ay patuloy pa ring nakapapasok pa,
    Pagkat ‘resourceful’ ang Punongbayan nila!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here