(Karugtong ng sinundang isyu)
Partikular na sa mga panuntunan
Ni P-Noy sa kanyang ‘matuwid na daan’
Na ninanais niyang lubos ipairal
Para sa malinis na pamahalaan.
Kaya marapat lang sa naturang punto
Na makasuhan si Ginoong Luciano
Ng ‘grave abuse of authority’ siguro,
Liban sa posibleng hihigit pa rito.
Kasama pati na ang ‘suspected culprit’
Na binigyan niya ng ‘hand written permit’
Upang bisitahin nila ang paligid,
Kung saan naroon ang nawalang gamit;
Pagkat di malayong ang nasabing apat
Na pinapasok ng CEO ng CIAC
Ang tumangay pati sa iba pang ‘scrap’
At nasabing kable na di na mahanap.
At marahil pati ang bakal na galing
Sa kung ilang pinagiba nitong ‘building,’
Na anila’y puede pa namang gamitin
Ay baka patagong ya’y naipuslit din.
Gaya halimbawa ng balak rentahan
Ni mayor Pelayo na ilang puesto riyan,
Sukat po bang basta ipa-‘demolish’ yan
Gayong ito nga ay ‘serviceable’ naman?
At tunay naman ding ‘in good condition’ pa
Ang lahat ng ‘building’ na pinagiba niya,
At ang ‘contract of lease’ yata ay handa na
Nang ang ‘demolition’ ay ipatupad niya.
Aywan lang kung anong pumasok sa utak
Ng ngayon ay ‘on leave’ na Bossing sa CIAC,
Kung bakit sobra ang kanyang pagka-atat
Na ipagiba yan ng kaagad-agad?
Gayong ayon nga po kay mayor Pelayo
Ay wala pang sira ang alin man dito;
Kaya liban sa personal na motibo
Ano ang nagtulak kay V.J. Luciano?
Upang karaka ay maglabas ng utos
Na walang matibay na batayan halos,
At ang kapalpakan nitong idinulot
Sa pamahalaan ay perwisyong lubos?
Sa puntong yan anong posibleng dahilan
Na maari niyang sa ‘tin ikatuwiran,
Upang siya ay di natin makasuhan
Ng ‘administrative’ o kasong kriminal?
Kundi man ‘abuse of power & discretion’
At/o mas mababang klaseng ‘violation’
Ang puedeng isampa ng Adminstrasyon
Sa kapalpakan niya’t mga ‘drastic action’
At kasong ‘theft’ itong direktang isampa
Sa ating husgado laban sa apat na
‘Workers’ ng “ACP Power” at iba pa
Na posibleng naging kakutsaba nila.
Upang panagutan itong lahat-lahat
Na ng kagamitang nawala at sukat,
Liban sa iba pang kapalpakang dapat
Panagutan nitong CEO d’yan sa CIAC
Nang sa gayon ay di sila pamarisan
Ng nakararami pa nating opisyal,
At sila itong sa ‘matuwid na daan’
Ni P-Noy ang unang mabigyan ng aral!