‘Relief operations’ patuloy sa San Simon

    414
    0
    SHARE

    Kung nomiro uno sa pagliban noon
    Ang isang naging Alkalde sa San Simon,
    At kung saan ang kanyang administrasyon
    Animo ay isang barkong walang timon

    Na siklut-siklutin ng alon sa dagat
    Pagkat ang ‘Capitan de Barko’ ay tamad
    At wala sa tamang direksyon ang layag
    Kung kaya paurong ang pasulong dapat

    Ay kabaligtaran sa kasalukuyang
    Pamamalakad ng ‘chieftain’ o Capitan
    Na bihasa at sadyang maa-asahan,
    Sa mga tungkuling marapat gampanan.

    Na talagang handang magsilbi ng tapat
    At hindi para lamang magpakasarap
    Habang nasa puesto… at anumang oras
    Ibiging lumayas nawawala’t sukat.
     
    Pero katulad nga ng ating nasabi
    Ya’y taliwas ngayon sa bagong Alkalde,
    Sa dahilang napakasipag din pati
    At di palaliban sa ‘official duty’

    At kahit di simpleng araw ay ‘visible’
    Sa tanggapan nito sa Municipal Hall,
    Ang kagalang-galang at butihing mayor
    Ng San Simon na si Mrs. Leonora Wong

    Partikular nitong nakaraang linggo
    Matapos na tayo’y dalawin ng bagyo.
    At ang lahat halos ng barangay dito
    Ay lubog sa baha d’yan ng lampas tao

    Upang mamudmod siya ng ‘relief’ o rasyon
    Na bigay ng ating butihing Governor
    At ng ibang opisyal dito sa rehiyon,
    Gaya ng bantog na ‘World Class City Mayor’

    (Na imbes yata sa Lungsod San Fernando
    Ipamigay n’yan ang galing sa Palasyo,
    Yan ay sa San Simon na pinadiretso
    At kusang loob na ipinasa nito;

    Kay mayor Wong upang kahit papaano
    Ay makatulong sa kababayan nito,
    Na hanggang ngayon ay lubog pa rin dito
    Ang poblasyon sa may dating munisipyo)

    At ni mayor Edpam ng Angeles city
    Na di lang ‘relief goods’ at iba pang klase
    Ng pagtulong ang in-‘extend’ ng Alkalde
    Kundi ng ‘medical mission’ na rin pati.

    Kasama si Vice Mayor Vicky Cabigting
    At iba pang opisyal sa ‘city hall’ din,
    Katuwang ang ilang kasamahan sa ‘team’
    Ng naturang misyong kusang inihain.

    Sa taga San Simon na lubhang dumanas
    Ng di matingkala’t sobrang paghihirap
    Upang kahit papano’y mabigyang lunas
    Ang hinagpis sa nagdaang kalamidad.

    Na di nagawa ng alin pa man yata
    Sa mga naunang umigit ika nga,
    Partikular na ang kailan lang bumaba,
    Sa loob ng ‘9 years’ na pamamahala.

    Sa kadahilanang di naging aktibo
    Itong pinalitan sa tungkulin nito,
    At di gaya ngayong tunay na seryoso
    Sa ‘official duty’ ang alkaldeng bago.

    At ginagampanan sa lahat ng oras
    Para sa kabalen ang sadyang marapat
    Upang kaipala sa araw ng bukas
    Ang San Simon ay patuloy na umunlad

    Ganyan kaseryoso sa mga gampanin
    Para sa kabalen ang ‘neophyte’ pa mandin
    Sa paghawak ng ganyang klaseng tungkulin,
    Pero kita agad ang husay at galing!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here