Lubhang mapalad ang bayan ng Masantol
At itong San Simon sa pagkakaroon
Ng mga Alkaldeng ‘King & Queen of Action,’
Sa katauhan ni Peter Flores at Wong;
Gayundin ang San Luis at Floridablanca,
Sa pagiging kapwa aktibo ring gaya
Nina Flores at Wong ang Alkalde nila,
Na kahit di simpleng araw ‘present’ sila
Sa ‘official capacity’ nila bilang
Ama at Ina ng mga kababayan;
Tulad na lang nitong binaha tayo riyan,
Na kung saan naging aktibong lahat yan
Sa pagtugon n’yan sa problemang marapat
Mabigyan ng pansin at/o prayoridad,
Kaya’t Sabado man nitong nakalipas
Na Oktobre Uno nandiyan itong apat
Nating masisipag na naturang Mayor
Sa harap ng ating butihing Governor,
Sa bulwagan ng ‘Benigno Aquino Hall’
Upang ihingi ng karampatang tulong
Ang mga Kabalen na walang makain
At iba pang dapat mabigyan ng pansin;
Na kung saan si ‘Nanay’ ay naroon din
Para ang lahat na ay asikasuhin.
(At inabot si Gov sa naturang ‘venue’
Kasama si BM Yabut, Tolentino,
Mons Laus at ibang taga Kapitolyo,
Ng lampas na rin yata ng alas singko;
Upang mabigyan ng karampatang lunas
Ang lahat ng problemang kinakaharap
Ng mga kabalen bilang Inang dapat
Tumingin sa pangangailangan ng anak)
At napatunayan kung sinu-sino riyan
Sa mga halal na opisyal ng bayan
Ang talagang tunay na maasahan
Pagdating ng oras na kinakailangan
Ng mga Kabalen ang mandatong dapat
Isakatuparan pagdating ng oras;
At di itong kung kailan may kalamidad,
Ay saka sila di natin mahapuhap.
Kaya mapapalad sa naturang punto
Ang nasasakupan ng apat na ito,
Na masasabi nating nagtatrabaho
Para sa kabalen – (tulad ni Guerrero
Ng Floridablanca) – at ni Macapagal
Ng ‘town of San Luis’ na tunay din namang
Aktibo sa opisyal na katungkulan;
Na kagaya ni Mayor Wong at Flores diyan.
At ni ‘Nanay Baby’ na di namimili
Ng oras para lang makatulong lagi;
Maging kapartido o di niya kakampi,
Ay maluwag naman ding nakakahingi)
Sapagkat tunay na serbisyong pambayan
Ang kay ‘Nanay’ at di para sa anuman;
(Na medyo mahirap makita sa ibang
Tradisyonal nating mga ‘politician’)
Kung saan taglay din ng San Simon Mayor
Sa katauhan ni Mrs. Leonora Wong,
Ang katangiang yan ng ating Governor,
Sa mga Kabalen kung siya’y umaksyon;
Pagkat di rin nito kinaklasipika
Ang tao kung ito ay kalaban niya
O kakampi kaya bibigyang suporta,
Kundi ang lahat ay pantay lang sa kanya!