Home Opinion Pwede ba na kahit sino ang kunin kong ahente at bigyan ng...

Pwede ba na kahit sino ang kunin kong ahente at bigyan ng komisyon sa pagbebenta ng bahay at lupa ko?

2453
0
SHARE

Tanong:

Akin pong ipinagbibili ang bahay at lupa na pag-aari ko. Malinis po ang titulo nito bagamat nasa barrio lamang. Naghahanap sana ako ng ahente pare ibenta ang nasabing bahay at lupa  at handa ko naman bigyan ng komisyon o bayad kapag naibenta niya ito. Pwedi ba na kahit sino ang kunin kong ahente at bigyan ng komisyon  sa pagbebenta ng bahay at lupa ko?

Sagot:

HINDI po. Yun lamang LICENSED real estate broker or ACCREDITED salesperson  ng Professional Regulation Commission (PRC) ang pweding kunin ninyong “ahente” para magbenta ng bahay at lupa ninyo. Ito ay alinsunod sa  Republic Act No. 9646 (Real Estate Service Act of the Philippines).

Kung sakaling walang maipakitang valid PRC license o accreditation ang nasabing “ahente” pwedi ninyong alamin sa website ng PRC o pumunta kayo sa pinaka malapit na PRC office upang malamang kung lehitimo siyang broker o salesperson.  Pwedi din kayong magtanong o kumunsulta sa mga local real estate board associations sa inyong lugar kagaya ng PAREB (Philippine Association of Real Estate Boards).

Ayon din sa nasabing batas ang sinumang lumabag dito ay maaring magmulta ng hindi bababa ng P100,000.00 o makulong ng 2 taon o doble sa nasabing multa o kulong.

By Atty. Alejandro N. Buan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here