Tama ba ang sagot?

    410
    0
    SHARE

    Kung ani Councilor Mike Tapang ng Porac:
    “It will take three to five years” bago raw ganap
    Maipasara ang ‘piggeries,’ at lahat
    Ng kauri, sa ‘subject’ na komunidad;

    Na apektado sa masangsang na amoy
    Ng dumi at etsas ng alagang baboy
    Nitong sa tingin natin ay ‘untouchable’
    Ang mga may-ari kaya tuloy-tuloy

    Ang ‘operation’ niyan sa kabila nitong
    Matinding hinaing at saka reklamong
    Idinulog na sa tanggapan ni Mayor,
    Kay VM at saka sa ilang Councilor

    Nangangahulugan na ya’y di maaring
    Mapahinto basta o kayang galawin
    Ng alin mang lokal na ahensya natin,
    Bunsod ng kung ano na lingid sa atin.

    Pagkat ano’t hindi maipasara kaagad
    Ang anumang bagay sa isang komunidad
    Na posibleng ikapahamak ng lahat
    Ng nasasakupan sa lahat ng oras

    Nitong alin man sa ahensyang marapat
    Umaksyon upang ya’y maresolba agad,
    Partikular na ang Alkalde ng Porac;
    ‘If no one is behind that nobody can touch?”

    Kundi man posibleng ang may-ari mismo
    Ng mga ‘hog farms’ na inirereklamo
    Ay opisyal sa naturang munisipyo;
    Di malayong sila’y may kakampi rito.

    Ano’t kailangan pang umabot ng taon
    Bago maipasara ng butihing Mayor
    At/o nitong Sangguniang Bayan itong
    Mga pesteng ‘hog farms’ kung di dahil doon?

    Gayong ito’y kaya namang ipasara
    Ng kaagad-agad kung gugustuhin niya?
    Liban na nga lang kung makapit talaga
    Ang mga may-ari na maimpluwensya!

    Na bago tuluyang makanti man lamang
    Ay sa butas ng karayom magdaraan
    Ang anumang prosesong kinakailangan
    Para mapaalis sa kinalalagyan!

    Kasi kung talagang ni ‘permit’ ay wala
    Umanong inisyu ang opis ni Kaka,
    Papanong ya’y basta naitayo kaya
    Nang ni di man lamang tumimbre din yata?

    Maging sa tanggapan man lang ni Kapitan
    Na nakasasakop sa mismong barangay,
    Kung saan naroon ang naturang ‘hog farms,’
    Na ‘subject’ nitong ating tinatalakay;
     
    Na nakarating na rin sa Gobernador
    Ang isyu, at inatasan na si Mayor
    Upang gumawa ng kaukulang aksyon
    Para ‘total shut down’ ng operasyon;

    Ng mga yan, pero ayon sa pahayag
    Ng Konsehal na nabanggit sa itaas,
    Maghihintay pa raw itong taga Porac
    Ng ‘3 to 5 years’ ba bago nila ganap

    Maipahinto yan? Aba’y hindi yata
    Pasado ang ganyang ‘statement’ ni Kaka;
    Kundi bagkus ‘No Good’ pagkat hindi tama,
    Kumbaga sa sagot, sa Titser ng bata! 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here