Home Opinion Makabangon pa kaya sa pagkakadapa?

Makabangon pa kaya sa pagkakadapa?

1602
0
SHARE

Ang katanungan na may tsansa pa kayang
makaupo muli si Mayor Punsalan
matapos ang anim na buwang suspension n’yan
bilang ‘chief of office’ sa kanilang bayan?

O tuluyan na siyang hindi makabalik
sa puesto, ngayong siya’y posibleng sumabit
sa bagong kaso na ‘by technicalities,’
posibleng tuluyang ‘removal from office’.

At ang kasunod na sabi ay ‘perpetual
disqualification’ itong nakahambang
kakaharapin niya sa ating Ombudsman,
yan ang nararapat nitong paghandaan.

Kasi nga kapagka di naipagtanggol
ni “JP” ang kanyang ‘stand’ sa San Simon,
na makapaglingkod ang kanyang intension
nang walang bahid ng anumang korapsyon;

May posibilidad na maidepensa niya
ang kanyang sarili pati na sa masa
na naniniwalang ‘guilty’ nga siya
kaya nararapat sipain kumbaga.

Kawalan ng ingat sa paged-desisyon
sa kung anong bagay ang posibleng rason
kung minsan, gaya ng walang konsultasyon
sa kasama at/o sa Administrator.

Diyan kinakailangan ang Consultant
ng kahit sinuman na nakatataas
ang posisyon para manatiling ligtas
sa anong bagay na gustong ipatupad.

Kailangan din naman ang kaunting talino
ng mga ‘higher rank’ sa ating gobyerno
para makayang harapin kahit sino,
partikular d’yan ang mga Englishero,

Kasabihan ‘little knowledge is dangerous’
ay totoo – kaya’t iwasang isagot
itong ‘above the law’ kung di natin talos
ang kahulugan n’yan sa Wikang Tagalod.

May nakapagsabi, na dating katropa
sa pamamahayag ni ‘yours truly,’ saka
ng isang kapwa r’yan natin Kolumnista,
tumakbo mang muli mahihirapan na.

At malabo na raw niyang maipanalo
ang gaya ng dati na siya’y mabango
sa manghahalal na, malaking prosyento
ang kanya kumpara sa kalaban nito.

Sanhi na rin nitong ang mismong kakampi
at katiket nito malamang ay hindi
na rin magnanais na tumakbong muli
kundi man saka na lang magbakasakali.

At di rin malayong ‘the end’ na marahil
itong kumbaga ay ‘political career’
ni “JP” sakali’t itong nakabimbin
na kaso nito ay tuloy-tuloy pa rin.

Kung naging maingat si Mayor Punsalan
sa naging tungkulin bilang punongbayan,
di malayong gaya ng mga sinundan,
magiging mabango ang panunungkulan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here