Daig pa ang Alkalde, nitong isang ‘SB Secretary?’

    355
    0
    SHARE
    Kung tunay mang bawat SB Secretary
    Ay di obligadong pumasok ng ‘daily’
    Upang harapin ang opisyal niyang ‘duty’
    Sa isang bayan o ‘municipality’

    Siguro naman ay kahit tatlong beses
    O ‘twice a week’ lamang – dapat nasa opis,
    Para kahit man lang ultimong papeles
    Ng Sanggunian ay kanyang mai-‘update’

    O maisa-ayos sa tamang kalagyan
    Upang pagdating sa oras na kailangan
    Ay madali nitong makuha kung saang
    ‘Filing cabinet’ niya ito nakalagay.

    Pagkat bilang isang SB Secretary
    Ay di lang sa oras ng ‘Session’ ang ‘duty’
    Ng sinuman – sila marapat magsilbi,
    Kundi maging sa ibang bagay na rin pati.

    Na posibleng maitulong halimbawa
    Kina Mayor at Vice sa pamamahala
    Kung ya’y nasa opis – kaysa laging wala
    At ni anino ay di natin makapa.

    Di nalalayo yan sa gawa ng isang
    SB Secretary dito sa isang bayan
    Sa parting timog ng ating lalawigan,
    Na parating wala sa kanyang tanggapan.

    At kung pumasok man, kamalay-malay mo
    Ay naka-alis na pala ang damuho,
    Gayong minsa’y wala pang beinte minuto
    Ang itinagal n’yan sa tanggapan nito.

    Kaya kung may sadya ka kay Mr. Pogi
    Ay tiyakang ikaw ay bigong uuwi;
    Kasi nga po’y mabibilang sa daliri
    Ang ‘attendance’ nito ng kay dali-dali.

    Aywan nga lang natin, kabayan kung bakit
    Mula’t sapol yata’y ganyan na ang ‘practice’
    Ni Sec gayong sila ngayo’y gumagamit
    Na ang bayan nila nitong ‘biometrics’

    Na ipinalit n’yan sa Daily Time Record,
    Na karaniwan ng ya’y sinusuksok
    Sa makinang dati’y siyang nagre-rekord
    Nang kung oras lumabas – pumasok.

    Pero itong si Sec, ayon na rin sa ‘ting
    Napag-alaman ay tigasin ang dating;
    Pagkat si mayor na yata ang pumansin
    Ay bale wala lang sa ‘subject’ po natin.

    Kasi nga’y patuloy pa ring ‘irregular’
    Ang pasok ni Pogi sa kanyang tanggapan;
    Bagama’t ilang beses nang sinabihan
    Ng ‘executive chief’ ang taong naturan.

    Sa puntong nasabi, ninanais nating
    Ang ilang bagay ay ating malinawin;
    Partikular na kung sinu-sino sa ‘ting
    Mga opisyal at/o ‘rank & file’ mandin

    Ang dapat sumunod sa walong oras na
    Kailangang iupo sa tanggapan nila;
    kasama po ba o sadyang etse puwera
    Itong talo pa ang mayor kung pumorma?

    Sa kung anong oras n’yan gustong pumasok   
    O umuwi ng walang kaabug-abog,
    Ay bahala sila – gayong gumagastos
    Ang gobyerno para sa kanilang sahod?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here