Ang pagharang ni Vice Mayor Dexter David
Ng Porac, Pampanga sa mga Journalists
Upang sa ‘Session Hall’ ay makapakinig
Ng ‘public hearing’ o ginawang pagdinig
(Hinggil sa reklamo at/o kahilingan
Nitong apektadong mga mamamayan,
Sa masamang amoy na nararanasan
Dulot ng babuyan sa kapaligiran)
Ay di lang marahil tuwirang paglabag
Sa karapatan ng mga mamahayag,
Kundi direkta rin namang matatawag
Na yan ay kawalan ng pagka-dignidad.
Pagkat tunay namang di dapat asalin
Ng sinumang taong edukado mandin,
Lalo ng katulad niyang may tungkulin
Ang paksang di dapat itago sa dilim.
Na siyang sa isang banda’y pinaka-nanais
Malaman ng mga naturang Journalists
Ang puno’t dulo ng bagay na nabanggit,
Bago ihayag at lubos ipabatid
Sa taongbayan ang ano pa mang bagay
Na nasa likod ng problemang naturan,
Kung bakit patuloy pang ‘operational’
At namamayagpag itong may-ari n’yan.
Sa kabila ng matinding karaingan
At walang patid na reklamo hinggil d’yan
Ng kawawang mga residente po r’yan
Na apektado sa matinding amoy n’yan.
Kung saan marami na’ng nagkakasakit
Partikular na ang mga batang paslit,
Kaya’t kapag di pa lumipat ang buwisit
Na ‘hog raisers,’ baka di na makatiis
Itong apektadong mga residente
At sila ay tuluyang nang magrebelde,
Laban sa kung sino na iresponsable
Gaya halimbawa ng mapormang Bise.
Na aywan kung anong tinatago nito
Sa mata ng media at sa ibang tao
Kung bakit ayaw niyang papasukin ito
Para malaman ang talagang totoo.
Na siyang sentro ng pagsiklab ng galit
Ni Caesar ‘Bong’ Lacson, kilalang Journalist,
(Head of Pampanga Society of Columnists)
Nang sila’y tangkaing itaboy ng pilit.
Ng mga wala ring nalalaman yata
Sa ‘protocol’ at legal na pagsawata
Sa situasyong tulad ng pinag-gagawa
Ng bise alkalde at ng alalay nga.
May ‘hokus-pokus’ ba na namamagitan
Kina ‘vice mayor’ at mga may-ari n’yan
Kung kaya ang media ay iniiwasan
At ninanais na sila’y pagbawalan?
Na makapasok sa bulwagang pambayan
Ng Porac, upang yan ay makakuha r’yan
Ng kung anong hindi marapat malaman
Nitong apektadong mga mamamayan?
(Sa puntong naturan, di mai-aalis
Sa aming isipan ni Vice Mayor David,
Na siya ay mayroong tinatagong pilit
Kaya’t ilag siya sa mga Journalists?!!!)
Ng Porac, Pampanga sa mga Journalists
Upang sa ‘Session Hall’ ay makapakinig
Ng ‘public hearing’ o ginawang pagdinig
(Hinggil sa reklamo at/o kahilingan
Nitong apektadong mga mamamayan,
Sa masamang amoy na nararanasan
Dulot ng babuyan sa kapaligiran)
Ay di lang marahil tuwirang paglabag
Sa karapatan ng mga mamahayag,
Kundi direkta rin namang matatawag
Na yan ay kawalan ng pagka-dignidad.
Pagkat tunay namang di dapat asalin
Ng sinumang taong edukado mandin,
Lalo ng katulad niyang may tungkulin
Ang paksang di dapat itago sa dilim.
Na siyang sa isang banda’y pinaka-nanais
Malaman ng mga naturang Journalists
Ang puno’t dulo ng bagay na nabanggit,
Bago ihayag at lubos ipabatid
Sa taongbayan ang ano pa mang bagay
Na nasa likod ng problemang naturan,
Kung bakit patuloy pang ‘operational’
At namamayagpag itong may-ari n’yan.
Sa kabila ng matinding karaingan
At walang patid na reklamo hinggil d’yan
Ng kawawang mga residente po r’yan
Na apektado sa matinding amoy n’yan.
Kung saan marami na’ng nagkakasakit
Partikular na ang mga batang paslit,
Kaya’t kapag di pa lumipat ang buwisit
Na ‘hog raisers,’ baka di na makatiis
Itong apektadong mga residente
At sila ay tuluyang nang magrebelde,
Laban sa kung sino na iresponsable
Gaya halimbawa ng mapormang Bise.
Na aywan kung anong tinatago nito
Sa mata ng media at sa ibang tao
Kung bakit ayaw niyang papasukin ito
Para malaman ang talagang totoo.
Na siyang sentro ng pagsiklab ng galit
Ni Caesar ‘Bong’ Lacson, kilalang Journalist,
(Head of Pampanga Society of Columnists)
Nang sila’y tangkaing itaboy ng pilit.
Ng mga wala ring nalalaman yata
Sa ‘protocol’ at legal na pagsawata
Sa situasyong tulad ng pinag-gagawa
Ng bise alkalde at ng alalay nga.
May ‘hokus-pokus’ ba na namamagitan
Kina ‘vice mayor’ at mga may-ari n’yan
Kung kaya ang media ay iniiwasan
At ninanais na sila’y pagbawalan?
Na makapasok sa bulwagang pambayan
Ng Porac, upang yan ay makakuha r’yan
Ng kung anong hindi marapat malaman
Nitong apektadong mga mamamayan?
(Sa puntong naturan, di mai-aalis
Sa aming isipan ni Vice Mayor David,
Na siya ay mayroong tinatagong pilit
Kaya’t ilag siya sa mga Journalists?!!!)