‘The Working Governor’

    385
    0
    SHARE
    At di lamang sa pagiging matulungin
    Maasahan si Gob, kundi pati na rin
    Sa mga bagay na marapat harapin
    Bilang ‘public servant’ na maituturing.

    Sapagkat bukod sa laging aktibo siya 
    Sa pagtugon sa karaingan ng masa,
    Di basta umupo lang sa opisina
    Kundi nilibot ang nasasakupan niya

    Upang personal niyang makita’t mabigyan
    Ng tamang solusyon ang anumang bagay
    Na kinakailangang agad ma-aksyunan
    Bago lumala at magbuwis ng buhay

    Gaya ng nangyaring pag-guho at sukat
    Ng gilid ng bundok sa Baño, Arayat
    Kung saan ang naging biktima at lahat
    Ay balot pa rin ng panganib at sindak.

    Isa yan sa unang binigyang atensyon
    Upang mabigyan ng agarang solusyon,
    Na mailipat sa isang relokasyong
    Ligtas sa panganib sa habang panahon.

    Ang problema hinggil sa mga ‘BALAS Boys’
    Ay naresolba na’t lubos naisa-ayos
    At kau-upo lang halos noon ni Gob,
    Sila’y pinabalik na at pinapasok.

    At ang tamang pagtatapon ng basura
    Ay kabilang din sa tinututukan niya,
    Liban sa marami pa nitong programa
    Na personal nitong tinitingnan tuwina

    At di basta pinaubaya na lamang
    Sa kung kaninong balikat ini-atang,
    Na kagaya nitong mga nakaraan
    Kung saan ay iba’y pinagkaperaan.

    (Para makatiyak marahil si ‘Nanay’
    Kung nasa lugar ang mga bagay-bagay
    Na kinakailangan bago mapagtibay
    Ang anuman upang malayong sumablay)
     
    Pagkat di personal na interes ni Mam
    Ang hangarin nito sa panunungkulan,
    Kundi magsilbi ng buong kagalingan
    Para sa lahat na ng nasasakupan.

    Kung saan di man niya nagampanang lubos
    Ang ilang bagay na ginustong matapos,
    Ay nagawa naman nitong maisa-ayos
    Ang iba sa loob lang ng ‘3 months’ halos

    O sa loob lang ng ‘100 days in office’
    Ay nakagawa ng higit sa ‘passing grade’
    In terms of performance’ ang napakabait
    Na gobernadora ‘as Executive Chief’

    Pagkat tunay naman ding karapat-dapat
    At kapuri-puri ang kanyang pag-ganap
    Bilang ‘Nanay’ at Punong Tagapag-ganap
    Ng Pampanga at sa tinuring na anak.

    Na lubhang kakaiba ang kanyang pagtugon
    At pag-resolba sa dapat bigyang aksyon;
    Kaya nga’t sa puntong yan nag-uumugong
    Ang tinatawag na ‘The Working Governor’!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here