Di nga kaya ningas kugon ang bagong Mayor?

    391
    0
    SHARE
    Malaking lubha ang pinagbago ngayon
    Ng lahat kumpara sa eksena noon
    Sa tanggapan ng Alkalde ng San Simon
    Kung saan dati ay mahirap matukoy

    Kung darating kaya o hindi si Mayor
    Ng maaga-aga o sa bandang hapon,
    (Kundi man baka di sumipot maghapon)
    Pagkat kakaiba ang ‘leadership’ sa ngayon
     
    Nitong bagong halal na siyang pumalit
    Sa dating kapag di pumasok ng Lunes
    Ay baka di mo na makapa sa opis
    Ng diretso hanggang sumapit ang Biernes.

    (Na aywan kung anong ‘official business’
    Mayrun ang alkalde ‘out of town or office,’
    Pero ‘within the past 9 years of his service
    as town executive that’s all what we observed’

    At kung saan pati iba pang tanggapan
    Ay tila nahawa sa puntong naturan,
    Na walang ‘official schedule’ ang ilan,
    Kung anong oras ang pasok at uwi n’yan;

    Pagkat kadalasan lampas alas otso
    Na ng umaga kung magsidating ito,
    At kung umuwi ay mabibihira mo
    Itong inaabot diyan ng alas singko;

    May mga instansya nga kasing madalas
    Alas kuwatro pa lang ay di mo na mahanap
    Sa kanyang puesto ang ilang masisipag
    Magsi-alis ng wala sa takdang oras.)   

    Kaya sa pag-upo nitong bagong Mayor
    Na palaging ‘on time’ sa kanyang ‘schedule,’
    Napakalaki ng pinagbago ngayon
    Ng munisipyo sa bayan ng Simon

    Una, ng dahil sa pagiging mahigpit
    O pagdisiplina ng ‘chief executive,’
    Tuluyang nabura ang kanilang ‘practice’
    Na parating ‘late’ kung pumasok sa opis.

    Itong aywan kung yan ay gumagaya lang
    Sa kanilang mayor nitong nakaraan,
    Na walang tiyak na oras ang dating n’yan
    Kung kaya’t yan na rin ang nakasanayan.

    Di ko sinasabing naimpluwensyaan
    Ng di mabuti ng mayor na nagdaan
    Ang ilan sa mga empleadong naturan
    Kaya nahiligan ang di kainaman

    Kundi ang atin ay kwenta paalala
    O ‘peace of advice’ lang sa lahat-lahat na
    Na nasa gobyerno, kasama pati na
    Ang mga ‘elected’ nating opisyal pa.

    Pagkat sila bilang mga ‘public servant’
    Ay marapat lang na maglingkod ng tapat
    At ilagay pati na sa tamang oras
    Ang kanilang pasok at saka paglabas.

    Sana nga ay hindi lamang ningas kugon
    O pakitang-tao itong ‘introduction’
    Na ipinamalas ngayon ni Mrs. Wong,
    Kung saan mula umaga hanggang hapon

    Ay madaratnan mo sa kanyang tanggapan,
    Na lubhang kakaiba sa ibang opisyal;
    Kung saan kaya raw nagtatago minsan
    Ay dahilan yata sa nanghihingi riyan

    Ng kung ann-ano, na sila rin naman
    Itong kumbaga ay nagpasimula riyan,
    Nang sila’y humingi ng boto sa bayan
    Upang ang balana yata’y matulungan?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here