Ng sinumang halal na opisyal natin,
Na magampanan ang kanilang tungkulin
Ng buong puso at taos sa damdamin
At ng walang anumang interes, kundi
Makapagsilbi ng walang pasubali
Sa ‘ting Inang Bayan ay nauunsyami
Bunsod na rin marahil ng panaghili
Ng nakararami nating pulitiko
Na maituturing nating kontrapelo
Sa hangarin halimbawa ng Pangulo,
Para maisulong ang programa nito
O anumang bagay na kinakailangang
Maipatupad upang ang serbisyong bayan
At ibang marapat nitong magampanan
Ay magawa habang nasa katungkulan.
Balakid nga kasi sa pamamalakad
Ng ‘Chef Executive’ itong paghahanap
Ng mga bagay na posibleng ibutas
Sa kanya ng ilang nating mambabatas
Tulad nitong SONA pa lamang ni Noynoy
Ay hinahanapan ng kung anu-anong
Kakulangan at di ang balak kung anong
Sa administrasyon ang maitutulong
Ang isugsog nila sa ‘privilege speech’
Ng mga yan sa ‘House of Representative,’
Kaya imbes tayo’y matuwa sa lintik
Na talumpati n’yan pihong pagka-inis
Ang mararamdaman ng nakararaming
Sawa na sa ganyang klase ng patsarming
Ng ilang akala nila sa sariling
Pagkatao, sila ang pinaka-magaling
Manong ang gawin ay makipagtulungan
Muna sa Pangulo sa adhikain n’yan,
At di yang di pa man ay binabatan
Na ng lintik, gayong ka-uupo pa lamang.
Ni Noynoy, at baka ang balak unahin
Ay kung papaano niya hahabulin
Ang mga kawatan sa gobyerno natin,
At maibalik ang ninanakaw sa atin.
Na siyang isa yata sa kanyang agenda,
Kung kaya marahil ang iba’y bahag na
Ang buntot sa posibleng pagsasampa
Ni P-Noy ng kaso laban sa kanila.
Gaya na lang nitong sinasabi nilang
Sobrang importasyon umano yata riyan
Ng bigas NFA para kumita lang
Ang ilang opisyal ng pamahalaan
Ay natural lang na magahahagilap
Ng paraan si dating Secretary Yap
Upang ang pangalan ay linisin agad
Totoo o hindi ang isyung kumalat
At iba pang kagawaran sa gobyerno,
Na napabalitang tatad din umano
Ng maanomalyang transaksyon siguro,
Kaya’t di malayong magturo na ito?
Kung sinu-sino ang mga nakinabang
Sa kuwartang, bayan ang direktang nawalan,
Pero ang nabundat ay sila-sila iilan lang
Na buwayang kati sa pamahalaan.