‘World Class City Mayor,’ kandidato ni Noynoy sa ‘League of City Mayors?’

    348
    0
    SHARE
    Di malayong isa na namang parangal
    Para kay Oca ang posibleng dumatal
    Sa katayuhan niya kapagka nahalal
    Siya bilang Pangulo ng kapisanan

    Ng ‘League of City Mayors’ sa Pilipinas,
    Na ang pagpili ay posibleng maganap
    Nitong buwan ng Hulyo, sa kung saang dapat
    Ganapin gaya ng mga nakalipas.

    At ang mayor nga ng Siyudad San Fernando
    Ang siyang napipisil na ikandidato
    Sa pagka-Pangulo ni Noynoy Aquino,
    Kaya malaki ang tsansa ng panalo

    Ni mayor Oca sa nasabing halalan,
    Lalo’t si Abalos at itong iba pang
    Mga city mayors ay di na kailangang
    Kumbinsihin para magbigay ng daan

    Kay World Class City Mayor Oca Rodriguez
    Upang ang korona bilang ‘chief of office’
    Ng Liga, ay sa ating ‘Chief Executive’
    Ng San Fernando ito pormal na ikapit.

    Pagkat tunay naman ding karapat-dapat
    Kay Mayor Oca ano pa mang ‘award’
    Na kakambal ng kanyang pagiging sikat,
    Bilang isang mahusay na ‘public servant; 
     
    At marahil, kaya siya ang posibleng
    Ginusto ni P-Noy ay dahilan na rin
    Sa puntong si Oca itong bukod tanging
    Nanalong Liberal sa probinsya natin.

    Bukod pa rito sa iba’t-ibang ‘award’
    At karangalang kay Oca iginawad
    Ng pandaigdigang kapisanang tanyag
    Na kumikilala sa husay niya’t sipag

    At pagiging tapat sa kanyang serbisyo
    Bilang isang lider ng ating gobyerno,
    Na handang maglingkod o isakripisyo
    Ang sarili para sa ‘ting kapwa tao.

    Na mabibilang mo sa ating daliri
    Ang gaya ni Oca na mabuting uri,
    Na di inuuna ang krus ng salapi,
    Kundi ang posibleng isumbat ng budhi.

    Hinog si Oca sa mga karanasang
    Natutuhan nito sa serbisyong bayan,
    At di nadungisan ang kanyang pangalan
    Ng ni katuldok na uring kapintasan.

    Kaya naman, hayan ang butihing mayor
    Tass noo niyang hinaharap ngayon
    Ang lahat, maging ang nasa oposisyon
    Na may alinlangan at gustong magtanong.

    Hinggil sa kung ano pa mang bagay-bagay
    Na may kaugnayan sa panunungkulan,
    Kasi nga’y wala siyang dapat itago riyan
    Sa mata ng lahat, maging kanino man.

    Kaya sa puntong yan, malaki ang ating
    Tiwala na siya itong mapipiling
    Magiging Pangulo riyan nitong nasabing
    League of City Mayors in the Philippines!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here