Ano ba namang klaseng serbisyo mayrun
Itong ‘water works’ sa bayan ng San Simon,
Na ang tulo ng tubig na dumadaloy
Sa tubo ng gripo ay pasumpong-sumpong
At kung saan sabi nga ng matatanda
Ay mabilis pa ang ihi ng palaka
Kung sumirit ang tubig na nagmumula
Sa linya ng tubo; at kung minsa’y bigla
Namang sumisirit ang ‘pressure’ ng tubig
Kaya’t kadalasan itong tubong plastik
Na karaniwan nang ngayo’y ginagamit
Ay napakadaling sirain ng buwisit;
Na ‘water works’ na yan dito sa San Simon,
Na di ma-’regulate’ niyan ang tamang daloy
Ng suplay ng tubig na inirarasyon
Sa mga ‘consumers,’ sa buong maghapon.
At ang isa pa r’yang di kanais-nais
Ay itong may tiempong marumi ang tubig
Na isinu-suplay nito sa paligid,
At animo’y sabaw ng tahong ang putris!
Katwiran yata ng kanilang tanggapan,
Partikular sa puntong di makaya n’yan
Na ma-’regulate’ ang daloy ng naturang
‘Pressure’ ng tubig ay Pelco ang dahilan?
Bunsod diumano nitong hindi yata
Sapat ang suplay ng kuryente kung kaya,
Di nila makayang mai-’regulate’ nga
Ang ‘pressure’ ng tubig, (na aywan kung tama)
Na ikatuwiran ng naturang ‘water works,’
Itong kung kaya di n’yan maisa-ayos
Ang daloy ng tubig ay Pelco ang sagot
Ay mali, kaya’t ang ‘service’ nila’y bulok.
Pagkat kung talagang ‘power’ ang dahilan
Nitong di pagiging ayos ng ‘performance,’
Bakit di gumawa ng kaparaanan
Ang ‘management’ upang ito’y solusyunan?
At gawin ang nararapat na serbisyo
Sa mga ‘consumers’ na nagrereklamo,
At di katulad n’yang bugbog na siguro
Sa mura pati ang kawawang empleado
Na siyang humaharap sa mga ‘consumer,’
Partikular itong inga taga-singil
Ng bill at/o kaya ng takdang bayarin
Nitong una, lalo na kung puputulin
Na ng huli ang linya ng kanyang gripo
Sa metro ng tubig ng kumpanya mismo,
At kung saan kahit bulok ang serbisyo
Ng ‘water works,’ wala nang magawa ito.
Kundi ng maa-anghang lang na pagmumura
Na posibleng ipukol sa opisina,
(Na kahit di ayos ang serbisyo nila
Ay napakahigpit maningil sa tuwina).
Ikaw man bang ito’y magagalak kaya
Sa serbisyong walang binatbat ika nga?
Kung saan madalas ni kapatak wala
Tayong masasahod para sa ‘ting timba?
Upang ipaligo, bago ka pumasok
Sa tanggapan o sa saan pa mang sulok
Ng daigdig tayo gustong pumalaot,
Na kahaya-haya tayong masisinghot.
At sana’y magsilbing paalala na rin
Sa pangasiwaan at lokal po nating
Mga opisyal ang nasabing hinaing,
Na ninanais po nating iparating
Laban sa bulok na serbisyo ng lintik
Na ‘water works’ na yan o ‘aguas potables,’
Nang maisa-ayos na’t maging malinis
Ang inumiin nati’t pampaligong tubig!
Itong ‘water works’ sa bayan ng San Simon,
Na ang tulo ng tubig na dumadaloy
Sa tubo ng gripo ay pasumpong-sumpong
At kung saan sabi nga ng matatanda
Ay mabilis pa ang ihi ng palaka
Kung sumirit ang tubig na nagmumula
Sa linya ng tubo; at kung minsa’y bigla
Namang sumisirit ang ‘pressure’ ng tubig
Kaya’t kadalasan itong tubong plastik
Na karaniwan nang ngayo’y ginagamit
Ay napakadaling sirain ng buwisit;
Na ‘water works’ na yan dito sa San Simon,
Na di ma-’regulate’ niyan ang tamang daloy
Ng suplay ng tubig na inirarasyon
Sa mga ‘consumers,’ sa buong maghapon.
At ang isa pa r’yang di kanais-nais
Ay itong may tiempong marumi ang tubig
Na isinu-suplay nito sa paligid,
At animo’y sabaw ng tahong ang putris!
Katwiran yata ng kanilang tanggapan,
Partikular sa puntong di makaya n’yan
Na ma-’regulate’ ang daloy ng naturang
‘Pressure’ ng tubig ay Pelco ang dahilan?
Bunsod diumano nitong hindi yata
Sapat ang suplay ng kuryente kung kaya,
Di nila makayang mai-’regulate’ nga
Ang ‘pressure’ ng tubig, (na aywan kung tama)
Na ikatuwiran ng naturang ‘water works,’
Itong kung kaya di n’yan maisa-ayos
Ang daloy ng tubig ay Pelco ang sagot
Ay mali, kaya’t ang ‘service’ nila’y bulok.
Pagkat kung talagang ‘power’ ang dahilan
Nitong di pagiging ayos ng ‘performance,’
Bakit di gumawa ng kaparaanan
Ang ‘management’ upang ito’y solusyunan?
At gawin ang nararapat na serbisyo
Sa mga ‘consumers’ na nagrereklamo,
At di katulad n’yang bugbog na siguro
Sa mura pati ang kawawang empleado
Na siyang humaharap sa mga ‘consumer,’
Partikular itong inga taga-singil
Ng bill at/o kaya ng takdang bayarin
Nitong una, lalo na kung puputulin
Na ng huli ang linya ng kanyang gripo
Sa metro ng tubig ng kumpanya mismo,
At kung saan kahit bulok ang serbisyo
Ng ‘water works,’ wala nang magawa ito.
Kundi ng maa-anghang lang na pagmumura
Na posibleng ipukol sa opisina,
(Na kahit di ayos ang serbisyo nila
Ay napakahigpit maningil sa tuwina).
Ikaw man bang ito’y magagalak kaya
Sa serbisyong walang binatbat ika nga?
Kung saan madalas ni kapatak wala
Tayong masasahod para sa ‘ting timba?
Upang ipaligo, bago ka pumasok
Sa tanggapan o sa saan pa mang sulok
Ng daigdig tayo gustong pumalaot,
Na kahaya-haya tayong masisinghot.
At sana’y magsilbing paalala na rin
Sa pangasiwaan at lokal po nating
Mga opisyal ang nasabing hinaing,
Na ninanais po nating iparating
Laban sa bulok na serbisyo ng lintik
Na ‘water works’ na yan o ‘aguas potables,’
Nang maisa-ayos na’t maging malinis
Ang inumiin nati’t pampaligong tubig!