Kung ganyang animo ay iniiwasan
Ni Blueboy si Mayor-elect Ed Pamintuan
Upang makaharap n’yan para sa isang
“Official transition” na kinakailangan;
Kung saan marapat lang na isalin niya
Sa “incoming mayor” ang lahat-lahat na,
Partikular na ang malinis na kwenta
Sa kabang bayan ng kanyang opisina. .
Pagkat “zero balance” man po halimbawa
O may bayarin siyang maiiwan kaya,
Gaya ng utang sa naghahakot yata
Ng basura, dapat ding linawing kusa.
Ng “outgoing mayor” kung bakit lumobo
Ang obligasyon n’yan sa naghakot nito
Gayong ang siyudad ay may sapat na pondo
Para sa lahat na at mga empleado..
Nang sa gayon maging malinis ang lahat
Ng mga bagay na isumite dapat,
Bago niya tuluyang iwanan ang siyudad
Sa pamamahala ng bagong “City Dad”.
Ano nga naman at tila atubili
Ang ngayo’y “outgoing” na nating Alkalde
Kung sa palagay niya sa kanyang sarili,
Wala siyang dapat ipangamba pati?
Upang harapin ng “face to face” si EdPam
Para sa isang dayalogo kung kailangan?
At “smooth transition” na marapat niyang
Sundin upang hindi siya mapintasan.
At di akalain ng taga Angeles
Na kaya takot siyang humarap kay Ka Ed
Ay dahilan na rin sa malaking “budget”
Na inutang para lang sa Sports Complex?
Kung saan halos ay isang bilyong piso
Ang perang “involve” sa naturang proyekto;
At nakakuha na yata diumano
Mula sa PVB ng komisyon nito?
At sa nabenta ng lupang pang-sakahan
Na ipinalabas yatang pang-industryal,
Upang ang halaga ng lupang naturan
Ay magawa nila ng napaka-mahal?
Kaya kung tunay ngang may ganyang transaksyon
Na posibleng namagitan kina Blueboy
At ilang kakampi niyang “city councilors”
Ay marapat lang na gumawa ng aksyon;
Ang “incoming mayor,” pagka-upo niya
Upang ang iligal na transaksyon nina
Blueboy at ng ilang ka-alyado niya
Ay maibasura yan hangga’t maaga.
Di ko sinasabing totoo ang lahat
Ng tsismis hinggil sa isyung kumakalat,
Pero sana, kung sila ay walang sukat
Na pangilagan ay harapin n’yan dapat
Ang “incoming mayor” sa panahong ito,
Na nalalapit na ang pagbaba mismo
Ni Blueboy, upang ang mga Angeleño
Ay walang masabi sa pag-iwas nito.
At malayo pati nating hinalain
Na di pa matanggap ni Blueboy marahil,
Ang pakatalo niya kung mananatiling
Sa hamon ni EdPam, iwas pusoy pa rin!
Ni Blueboy si Mayor-elect Ed Pamintuan
Upang makaharap n’yan para sa isang
“Official transition” na kinakailangan;
Kung saan marapat lang na isalin niya
Sa “incoming mayor” ang lahat-lahat na,
Partikular na ang malinis na kwenta
Sa kabang bayan ng kanyang opisina. .
Pagkat “zero balance” man po halimbawa
O may bayarin siyang maiiwan kaya,
Gaya ng utang sa naghahakot yata
Ng basura, dapat ding linawing kusa.
Ng “outgoing mayor” kung bakit lumobo
Ang obligasyon n’yan sa naghakot nito
Gayong ang siyudad ay may sapat na pondo
Para sa lahat na at mga empleado..
Nang sa gayon maging malinis ang lahat
Ng mga bagay na isumite dapat,
Bago niya tuluyang iwanan ang siyudad
Sa pamamahala ng bagong “City Dad”.
Ano nga naman at tila atubili
Ang ngayo’y “outgoing” na nating Alkalde
Kung sa palagay niya sa kanyang sarili,
Wala siyang dapat ipangamba pati?
Upang harapin ng “face to face” si EdPam
Para sa isang dayalogo kung kailangan?
At “smooth transition” na marapat niyang
Sundin upang hindi siya mapintasan.
At di akalain ng taga Angeles
Na kaya takot siyang humarap kay Ka Ed
Ay dahilan na rin sa malaking “budget”
Na inutang para lang sa Sports Complex?
Kung saan halos ay isang bilyong piso
Ang perang “involve” sa naturang proyekto;
At nakakuha na yata diumano
Mula sa PVB ng komisyon nito?
At sa nabenta ng lupang pang-sakahan
Na ipinalabas yatang pang-industryal,
Upang ang halaga ng lupang naturan
Ay magawa nila ng napaka-mahal?
Kaya kung tunay ngang may ganyang transaksyon
Na posibleng namagitan kina Blueboy
At ilang kakampi niyang “city councilors”
Ay marapat lang na gumawa ng aksyon;
Ang “incoming mayor,” pagka-upo niya
Upang ang iligal na transaksyon nina
Blueboy at ng ilang ka-alyado niya
Ay maibasura yan hangga’t maaga.
Di ko sinasabing totoo ang lahat
Ng tsismis hinggil sa isyung kumakalat,
Pero sana, kung sila ay walang sukat
Na pangilagan ay harapin n’yan dapat
Ang “incoming mayor” sa panahong ito,
Na nalalapit na ang pagbaba mismo
Ni Blueboy, upang ang mga Angeleño
Ay walang masabi sa pag-iwas nito.
At malayo pati nating hinalain
Na di pa matanggap ni Blueboy marahil,
Ang pakatalo niya kung mananatiling
Sa hamon ni EdPam, iwas pusoy pa rin!