Isang bilyong piso para sa tiyak na panalo?

    681
    0
    SHARE
    Gayon din naman sa naging alegasyon
    Ng isa, kung saan Regional Direktor
    At umano’y mga PCOS operator
    Ang direktang sangkot sa manipulasyon

    Ng “election returns” pabor sa kung sino
    Na naghahangad ng tiyakang panalo
    Kapalit ng di lang ilang milyong piso
    Kundi ng bilyon sa mataas na puesto.

    At kung saan kabilang din sa inalok
    Ng naturang mga PCOS operators,
    Itong isa pa ring “vice presidentiables,”
    Ayon naman sa dating PCSO Boss.

    Yan ay maaring di paninira lamang
    Ng ilan laban sa kinauukulan,
    Kundi ng posibleng pagsabotahe n’yan
    Sa kredibilidad ng ating halalan;

    Kasi, kung di rin lang handang tumestigo
    Ang sinuman sa “whistleblowers” na ito
    Ay di maaaring umusad ang kaso
    Sa kawalan n’yan ng sapat na testigo. .

    Pagkat kagaya nga n’yang si “Koala Bear”
    (Na nagtatago sa alias nitong “Robin” )
    Ay takot humarap sa anumang “hearing”
    Upang panindigan ang lahat sa atin

    Ay papano nito mapapatunayan
    Na nagkaroon nga ng transaksyong ganyan
    Sa pagitan nitong naturang opisyal
    Ng Comelec at ng ilang indibidual;

    Na umano’y nilapitan nga’t inalok
    Ng kung sinong mga PCOS operators
    At nitong nasabing Regional Directors
    Ng Comelec, base sa ulat o report.

    Kung mananatili siyang nagkukubli
    Sa likod ng kanyang maskara ang dyaske?
    Gayon di naman si Manoling, at pati
    Itong umano ay dalawang Attorney;

    Na muntik nang makasuntukan ni Ferrer
    Dahilan na rin sa kanilang “expose”
    Na nagsasangkot sa ilan pang “officers,”
    At kung saan sila itong “whistleblowers”

    Ay marapat lang na humarap “in public”
    Ang lahat ng may kinalaman sa (tsismis?)
    Upang panindigan ang mga nabanggit
    Na insidente r’yang di kanais-nais.

    Pagkat tunay namang kasiraang puri
    Sa sinumang damay sa isyung nasabi
    Ang pangyayaring yan, at kung saan pati
    Itong taongbayan ay natuturete

    Kasi hangga’t patuloy na nasisira
    Ang integridad ng halalan sa bansa,
    Ay sino pa nga ba ang maniniwala
    Na ang mau-upong lider ay halal nga?
         
    At kaya lang nanalo ang karamihan
    Ay ng dahil na rin sa “hokus-pokus” lang?
    Gaya halimbawa ng napabalitang
    Posibleng nagwagi pagkat nagbayad yan!


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here