Kung alin man kina Pangulong Arroyo
At Joseph Estrada, na dating Pangulo,
Ay di mahaharang basta ng kung sino
Na di kandidato sa parehong puesto
Gaya halimbawa ng pagtakbo ngayon
Ni Ginang Arroyo bilang isang Solon,
At kung saan itong nag-“file” ng petisyon
Na si Riza Hontiveros at Pamatong
Ay di katunggali sa kanyang pagtakbo
Bilang Kongresista sa Pampanga mismo,
Kundi itong Riza’y para sa Senado
At si Pamatong ay para pam-Pangulo
Ay ibasura ng kinauukulan
O ng naturang komisyon sa halalan
Nang naa-ayon sa batas na naturan,
Pero ang nangyari ay kabaligtaran.
Pagkat lahat na ng “disqualification case”
Na naisampa riyan sa ating Comelec
Ng iba pang nag-“file” ay pawang nabasket,
Ng pabor sa ngayon ay “sitting president;”
Kaya’t suma total ay kabaligtaran
At naging aksyon ng kinauukulan
O ng nasabing komisyon sa halalan
Ang pagbasura sa petisyong naturan.
Kung saan ang “equal protection” sa batas,
Sa puntong ito ang direktang nalabag;
Laban sa isang nasa kanya na ang lahat
Ng puersa, “sources,” at halos lahat-lahat!
Na sana man lang (kung talagang puede
Itong humabol pa) siya’y nagdimite,
Upang maging patas ang labanan bale
Nina Simpao at ng ating Presidente!
Na tuwirang paglabag sa Section 26,
Ng Article III ang ating nasisilip;
Kundi man lubusang pagbasurang pilit
Sa Konsitutusyon ang aksyon ng Comelec.
Ganun din sa muling pagtakbo ni Erap,
Na pam-Panguluhan pa mandin ang hangad;
Gayong nasasaad sa Saligang Batas
Ang Pangulo’y walang “re-election” dapat.
Na ubod ng linaw sa parteng Section 4,
Ng Article 7 sa ‘ting Konstitusyon;
“that bar presidents for (any) re-election
(Or there should be no other election at all;”)
Na ayon na rin sa isang miyembro noon
Ng “framers” ng 1987 Con-com,
At ex-chairman ng Commission on Election,
“the word (any) refers to any position?”
Ay tila kakaiba sa interpretasyon
Nitong nakaupong Commissioners ngayon,
Pagkat hayan, “denied” lahat ang petisyon
Nitong sa pagtakbo nila’y di sangayon!
Kung ganun pati na ang dating Pangulong
Fidel V.Ramos ay puede pang humabol
Sa pagka-Pangulo kung katulad nitong
Kahit pala labag sa ‘ting Konstitusyon
Ay pupuede basta walang magsasampa
Ng petisyon laban sa pagtakbo niya?
(O dahil na rin sa ang Comelec pala
Ay di kumpleto ang ngipin sa sistema?)
(May karugtong)
At Joseph Estrada, na dating Pangulo,
Ay di mahaharang basta ng kung sino
Na di kandidato sa parehong puesto
Gaya halimbawa ng pagtakbo ngayon
Ni Ginang Arroyo bilang isang Solon,
At kung saan itong nag-“file” ng petisyon
Na si Riza Hontiveros at Pamatong
Ay di katunggali sa kanyang pagtakbo
Bilang Kongresista sa Pampanga mismo,
Kundi itong Riza’y para sa Senado
At si Pamatong ay para pam-Pangulo
Ay ibasura ng kinauukulan
O ng naturang komisyon sa halalan
Nang naa-ayon sa batas na naturan,
Pero ang nangyari ay kabaligtaran.
Pagkat lahat na ng “disqualification case”
Na naisampa riyan sa ating Comelec
Ng iba pang nag-“file” ay pawang nabasket,
Ng pabor sa ngayon ay “sitting president;”
Kaya’t suma total ay kabaligtaran
At naging aksyon ng kinauukulan
O ng nasabing komisyon sa halalan
Ang pagbasura sa petisyong naturan.
Kung saan ang “equal protection” sa batas,
Sa puntong ito ang direktang nalabag;
Laban sa isang nasa kanya na ang lahat
Ng puersa, “sources,” at halos lahat-lahat!
Na sana man lang (kung talagang puede
Itong humabol pa) siya’y nagdimite,
Upang maging patas ang labanan bale
Nina Simpao at ng ating Presidente!
Na tuwirang paglabag sa Section 26,
Ng Article III ang ating nasisilip;
Kundi man lubusang pagbasurang pilit
Sa Konsitutusyon ang aksyon ng Comelec.
Ganun din sa muling pagtakbo ni Erap,
Na pam-Panguluhan pa mandin ang hangad;
Gayong nasasaad sa Saligang Batas
Ang Pangulo’y walang “re-election” dapat.
Na ubod ng linaw sa parteng Section 4,
Ng Article 7 sa ‘ting Konstitusyon;
“that bar presidents for (any) re-election
(Or there should be no other election at all;”)
Na ayon na rin sa isang miyembro noon
Ng “framers” ng 1987 Con-com,
At ex-chairman ng Commission on Election,
“the word (any) refers to any position?”
Ay tila kakaiba sa interpretasyon
Nitong nakaupong Commissioners ngayon,
Pagkat hayan, “denied” lahat ang petisyon
Nitong sa pagtakbo nila’y di sangayon!
Kung ganun pati na ang dating Pangulong
Fidel V.Ramos ay puede pang humabol
Sa pagka-Pangulo kung katulad nitong
Kahit pala labag sa ‘ting Konstitusyon
Ay pupuede basta walang magsasampa
Ng petisyon laban sa pagtakbo niya?
(O dahil na rin sa ang Comelec pala
Ay di kumpleto ang ngipin sa sistema?)
(May karugtong)