Home Headlines Giant Lanterns kinopo ang panalo sa best-of-3 kontra Batang Kankaloo

Giant Lanterns kinopo ang panalo sa best-of-3 kontra Batang Kankaloo

784
0
SHARE
Gov. Dennis “Delta” Pineda, head coach ng Giant Lanterns, at Best Player of the Game Encho Serrano sa post-game presser. Kuha ni Armand Galang

LUNGSOD NG PALAYAN — Binalikat ni Encho Serrano ng Pampanga Giant Lanterns ang mga huling yugto ng laban ng kontra sa ayaw bumitiw na Caloocan Batang Kankaloo hanggang sa tuluyang maibuslo ang finals slot, 93-77, ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) North Division sa Nueva Ecija Coliseum dito nitong Biyernes.

Kumamada ng 22 puntos, 13 dito ay sa huling sampung minuto, ang 5-foot-11 guard mula Apalit, Pampanga upang pangunahan ang Giant Lanterns sa pagkalas sa mahigpit ng kapit ng Batang Kankaloo sa ika-9 at huling deadlock sa score na 71

Si Serrano ay nagtala rin ng malulutong na assist kina Justine Baltazar, JB Bahio, at MJ Garcia, bukod sa dalawang rebounds.

Sa record na 22 points, 6 assists at 2 rebounds ay muling tinanghal si Serrano bilang best player of the game, pagkilala na ibinigay na rin sa kanya sa 74-63 panalo ng Giant Lanterns kontra Batang Kankaloo sa kanilang unang pagtatapat para sa best-of-3 semifinals series sa kanilang homecourt Bren Z. Guiao Sports Complex and Convention Center.

Samantala, sa MVP (Most Valuable Player) race ay nakaposte si Baltazar sa kanyang 16 points, 20 rebounds, 7 assists, 2 steals at 1 block sa kabila ng double-teaming effort sa kanya.

Ang iba pang Giant Lanterns na nagningning para kay head coach Pampanga Gov.  Dennis “Delta” Pineda, ay sina MJ Garcia, 14 points, 6 rebounds at 6 assists; John Lloyd Clemente may 14 points, 6 assists at 5 rebounds; at Archie Concepcion na may 13 points at 2 rebounds.

Ang buzzer-beater triple ni Garcia ay nagbigay sa Pampanga ng 42-38 halftime lead, pero nakabawi ang Caloocan, 64-62, kasunod ng 7-point blitz ni Paul Sanga.

Ang Caloocan ay umani ng 16 points, 6 assists a 4 rebounds mula kay Reil Cervantes; 14 points, 5 rebounds at 5 assists kay Sanga; at tig- 9 points mula kina Jeramer Cabanag at Mac Baracael, na inangasan si  Arwind Santos sa second quarter.

Haharapin ng Pampanga ang San Juan na nagbuslo naman ng panalo kontra Nueva Ecija Rice Vanguards sa main game, 88-80.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here