Ano nga kaya ang posibleng nagtulak
Kay Mam, sa animo’y pag-agaw at sukat
Sa puestong para sa mismong anak dapat
Gayong pupuede pang tumakbo ang anak?
Na ngayo’y incumbent bilang Kinatawan
Sa 2nd District ng ating lalawigan;
Na ngayo’y puntirya ng pagtakbo ni Mam,
At siyang ‘talk of the town’ sa kasalukuyan.
Kung kaya’t posibleng ang ispekulasyon,
Ng marami na may kaugnayan itong
Pagtakbo ni Madam sa isinusulong
Na “cha-cha,’ ng kampi sa Administrasyon
Ay totoo – at ang target kung sakali,
Sa pagtakbong ito ay palaring muli
Ang ina-asam na siya’ng mapipili
Na maging ‘speaker’ ay di mababali.
At ito ang siyang inaasahan niya
Na magliligtas sa pagsampa ng habla
Ng mga kalaban niya sa pulitika,
Sa mga nagawa niyang pagkakasala.
Na di lingid sa ‘ting mga mamamayan
Ang lahat ng kanyang mga pagkukulang;
Na posibleng higit pa sa kapalpakan
At pagiging corrupt ng anak ng San Juan.
(Kung kaya marahil sabi nga ng iba
Ay ‘absolute pardon’ ang binigay niya,
Upang ganito rin ang gawin sa kanya
Kapag minalas din na makulong siya?)
Kasi nga bakit pa nito inambisyon
Ang tumakbo siya bilang isang Solon,
Kundi sa posibleng ang kanyang intensyon
Ay huag matulad sa kanyang pinakulong?
Na anumang oras posibleng gumimbal
At maging laman ng mga pahayagan,
Na ang Pangulo ay sinampahan na r’yan
Ng ‘money laundering’ sa Sandigangbayan!
Kaya sa puntong yan, may posibilidad
Na ang pag-agaw niya sa puesto ng anak
Ay di upang ang distrito’y mai-angat
Kundi sarili ang gustong mailigtas.
At di rin malayong sa isyu ng ‘recount’
Upang bumaba na sa Capitol si Gob,
Ay si Madam itong anino sa likod,
Liban sa iba pang agarang pagkilos;
Ng administrasyon, upang masiguro
Ang posibleng pagbabalik sa Palasyo,
Sakali’t lahat ng kanyang ka-distrito
Ay siya ang tunay nilang iboboto.
Pagkat marami na itong di sang-ayon
Kay Madam Gloria sa pagtakbo niya ngayon;
Partikular na ang ilang taga-Lubao
Na may pagmamahal sa tanyag na ‘Poor Boy!’
Aywan nga lamang kung anong pinakain
Ng administrasyon sa ibang mayor natin,
Kasi gayong hindi ka-distrito mandin
Ay tila ka-isa nito ng damdamin.
Di ko sinasabing sila’y nabusalan,
Kaya matindi ang tangkilik ng ilan;
Pero lalayo ba sa inaasahan
Na baka sila ay pawang naambunan?
Kay Mam, sa animo’y pag-agaw at sukat
Sa puestong para sa mismong anak dapat
Gayong pupuede pang tumakbo ang anak?
Na ngayo’y incumbent bilang Kinatawan
Sa 2nd District ng ating lalawigan;
Na ngayo’y puntirya ng pagtakbo ni Mam,
At siyang ‘talk of the town’ sa kasalukuyan.
Kung kaya’t posibleng ang ispekulasyon,
Ng marami na may kaugnayan itong
Pagtakbo ni Madam sa isinusulong
Na “cha-cha,’ ng kampi sa Administrasyon
Ay totoo – at ang target kung sakali,
Sa pagtakbong ito ay palaring muli
Ang ina-asam na siya’ng mapipili
Na maging ‘speaker’ ay di mababali.
At ito ang siyang inaasahan niya
Na magliligtas sa pagsampa ng habla
Ng mga kalaban niya sa pulitika,
Sa mga nagawa niyang pagkakasala.
Na di lingid sa ‘ting mga mamamayan
Ang lahat ng kanyang mga pagkukulang;
Na posibleng higit pa sa kapalpakan
At pagiging corrupt ng anak ng San Juan.
(Kung kaya marahil sabi nga ng iba
Ay ‘absolute pardon’ ang binigay niya,
Upang ganito rin ang gawin sa kanya
Kapag minalas din na makulong siya?)
Kasi nga bakit pa nito inambisyon
Ang tumakbo siya bilang isang Solon,
Kundi sa posibleng ang kanyang intensyon
Ay huag matulad sa kanyang pinakulong?
Na anumang oras posibleng gumimbal
At maging laman ng mga pahayagan,
Na ang Pangulo ay sinampahan na r’yan
Ng ‘money laundering’ sa Sandigangbayan!
Kaya sa puntong yan, may posibilidad
Na ang pag-agaw niya sa puesto ng anak
Ay di upang ang distrito’y mai-angat
Kundi sarili ang gustong mailigtas.
At di rin malayong sa isyu ng ‘recount’
Upang bumaba na sa Capitol si Gob,
Ay si Madam itong anino sa likod,
Liban sa iba pang agarang pagkilos;
Ng administrasyon, upang masiguro
Ang posibleng pagbabalik sa Palasyo,
Sakali’t lahat ng kanyang ka-distrito
Ay siya ang tunay nilang iboboto.
Pagkat marami na itong di sang-ayon
Kay Madam Gloria sa pagtakbo niya ngayon;
Partikular na ang ilang taga-Lubao
Na may pagmamahal sa tanyag na ‘Poor Boy!’
Aywan nga lamang kung anong pinakain
Ng administrasyon sa ibang mayor natin,
Kasi gayong hindi ka-distrito mandin
Ay tila ka-isa nito ng damdamin.
Di ko sinasabing sila’y nabusalan,
Kaya matindi ang tangkilik ng ilan;
Pero lalayo ba sa inaasahan
Na baka sila ay pawang naambunan?