Home Opinion Batu-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit

Batu-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit

1028
0
SHARE

Sa paglabas nito sa ‘online edition
nitong ating diaryong ‘PUNTO Central Luzon
News’ mababasa na ang resulta nitong
Barangay election dito sa San Simon;

Kung saan ang dati na Punong barangay
nag-‘over the bakod’ bago maghalalan
sanhi ng posibleng wala na siyang tsansang
maipanalo uli ang una niyang laban.

Na suportado nga ng dating Alkalde
at tunay din namang ‘little mayor’ bale
ang trato ng ibang kasamahan pati
‘Since the sitting mayor then loves Darna, dearly.

Ang katawa-tawa riyan sa ginawa
ng taong naturan ay ang pagsakubla
sa kung sino itong ang tawag ay bakla
(sa kanya) doon siya ngayon naka-angkla?

Oh, ang pulitika ay talagang ganyan
na kahit kadugo ay di maasahang
manatiling atin ang ‘loyalty’ minsan,
ito pa nga kayang ang ‘gender’ kabilan?

Pati Kapitolyo napaniwala niya
na mahusay siyang humawak ng renda,
ya’y sa umpisa lang at ‘yours truly’ isa
sa nagpa-angat ng ‘ratings’ niyan kumbaga.

Sa akin nasanay ng mga opisyal
na ‘format’ ng ilang mga bagay-bagay,
gaya ng pag-gawa ng resolusyon d’yan
para mai-angat kanyang kamalayan.

Tapos nang eleksyon, di na maituturing
na paninira ang pagtukoy po natin
sa maraming bagay na kapansin-pansin,
‘One of which’ wala siyang utang na loob din.

Partikular nga r’yan sa isa kong anak
na lalaki mayrung nagawang mabigat
na pagkukulang at hindi nito dapat
pinabayaan nang magkasakit sukat.

Na ni kahit minsan ay hindi dinalaw
nanggang sa ito tuluyang pumanaw
kaya imbes pasalamat at pagtanaw
ng utang na loob aking maysisigaw

Na hanggang ngayon nga itong hinanakit
ng aming pamilya kay ‘Vice Ganda the 3rd’
tulad din marahil nitong bawat saglit
sa pamilya ni Mam nakintal sa isip.

Tayo man bang ito ang biglang talikdan
ng taong tayo ang kanyang naging hagdan
para marating ang mapera sa buhay,
di maging ika nga’y maging ‘emotional’ ?

At lahat ng bagay na maitatawag
sa taong ito ay ibabato lahat,
gaya ng wala siyang pakisamang tapat,
at wala ring utang na loob din dapat.

(Pagkat ang katulad niyang ‘doble cara,’
at taksil sa taong kumandong sa kanya,
para maging tunay na tao, di pala –
kundi isa manding taksil, palamara?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here