Kung totoong alam ng pamahalaan
Ang mga baril na hawak ng Ampatuan,
Ano’t di matukoy mismo ng militar
Ang inbentaryo ng armas na naturan?
At kung anu-anong klaseng mga baril
Itong sinasabing sa gobyerno galing,
Lalo’t kagaya n’yan na di pipitsuging
Armas itong dapat may ligal na papel;
Ang pagka-isyu sa kanino mang tao,
Partikular kina Ampatuan mismo;
Na dapat sana ay pawang detalyado
Sa “armory section” ng Camp Aguinaldo
O nakatala sa alin mang “agency”
Na may otoridad sa pag-isyu pati;
At kung sinong opisyal ng “military”
Ang pumirma liban pa sa Presidente.
Nakapagtatakang animo’y di alam
Ng gobyerno na ang pamilyang naturan
Ay may mga hawak na sandatang ganyan,
Kung di nitong sila nga ay makasuhan;
(Ng “multiple murder” sa karumaldumal
Na krimen itong nakababatang Andal,
Na itinuturong pinaka-kapural
Ng insidenteng yan na napaka-brutal.)
At kung totoo yan ay pinagamit lang
Ng pamahalaan sa mga Ampatuan
Upang makatulong sa pagpapa-iral
Ng “peace & order” sa parteng Maguindanao
Bakit hinayaan niyang manatili
Sa kamay nila ang armas na nasabi
Nang napakatagal, hanggang nitong huli
Na bababa na siya bilang Presidente?
O nang dahil na rin sa “debt of gratitude”
Nito sa pamilya, kung saan namulot
Ng boto ang iba pang “presidentiables”
Sa lahat ng lugar na kanilang sakop?
Kung kaya’t batid man ng ating Pangulo
Na sila’y posibleng maging abusado,
Ay di na hinangad ng kanyang gobyerno
Na mabawi pa ang pinahiram nito.
Na mga “high-powered” na uri ng baril,
“Grenade launcher” saka mga “machine gun” din;
Na diumano ay di yata kukulangin
Sa dalawang libo ayon sa “source” natin.
Di ko sinasabing lubhang kinunsinte
Ng ating Pangulo ang angkang nasabi,
Pero sa puntong yan hangga’t maaari
Dumistansya na siya… hanggang sa mahuli
Ang lahat ng sangkot sa krimeng naturan
Para maiharap sa ating Hukuman;
At huag n’yang hayaang ang kahit sinuman
Sa ka-alayado niya ay matakasan yan.
At kung maari… ang kanyang paghabol
Sa kanyang distrito bilang isang Solon,
Ay huag na lang sana din nitong ituloy
Upang di kakatwa ang maging situasyon;
(At ang harapin ay itong obligasyon
N’ya bilang Pangulo ng lahat ng Pinoy!)
Ang mga baril na hawak ng Ampatuan,
Ano’t di matukoy mismo ng militar
Ang inbentaryo ng armas na naturan?
At kung anu-anong klaseng mga baril
Itong sinasabing sa gobyerno galing,
Lalo’t kagaya n’yan na di pipitsuging
Armas itong dapat may ligal na papel;
Ang pagka-isyu sa kanino mang tao,
Partikular kina Ampatuan mismo;
Na dapat sana ay pawang detalyado
Sa “armory section” ng Camp Aguinaldo
O nakatala sa alin mang “agency”
Na may otoridad sa pag-isyu pati;
At kung sinong opisyal ng “military”
Ang pumirma liban pa sa Presidente.
Nakapagtatakang animo’y di alam
Ng gobyerno na ang pamilyang naturan
Ay may mga hawak na sandatang ganyan,
Kung di nitong sila nga ay makasuhan;
(Ng “multiple murder” sa karumaldumal
Na krimen itong nakababatang Andal,
Na itinuturong pinaka-kapural
Ng insidenteng yan na napaka-brutal.)
At kung totoo yan ay pinagamit lang
Ng pamahalaan sa mga Ampatuan
Upang makatulong sa pagpapa-iral
Ng “peace & order” sa parteng Maguindanao
Bakit hinayaan niyang manatili
Sa kamay nila ang armas na nasabi
Nang napakatagal, hanggang nitong huli
Na bababa na siya bilang Presidente?
O nang dahil na rin sa “debt of gratitude”
Nito sa pamilya, kung saan namulot
Ng boto ang iba pang “presidentiables”
Sa lahat ng lugar na kanilang sakop?
Kung kaya’t batid man ng ating Pangulo
Na sila’y posibleng maging abusado,
Ay di na hinangad ng kanyang gobyerno
Na mabawi pa ang pinahiram nito.
Na mga “high-powered” na uri ng baril,
“Grenade launcher” saka mga “machine gun” din;
Na diumano ay di yata kukulangin
Sa dalawang libo ayon sa “source” natin.
Di ko sinasabing lubhang kinunsinte
Ng ating Pangulo ang angkang nasabi,
Pero sa puntong yan hangga’t maaari
Dumistansya na siya… hanggang sa mahuli
Ang lahat ng sangkot sa krimeng naturan
Para maiharap sa ating Hukuman;
At huag n’yang hayaang ang kahit sinuman
Sa ka-alayado niya ay matakasan yan.
At kung maari… ang kanyang paghabol
Sa kanyang distrito bilang isang Solon,
Ay huag na lang sana din nitong ituloy
Upang di kakatwa ang maging situasyon;
(At ang harapin ay itong obligasyon
N’ya bilang Pangulo ng lahat ng Pinoy!)