Masungit kay Among Ed ang Comelec?

    383
    0
    SHARE
    Ipagpalagay ng ya’y basta na lamang
    Itinambak sa isang sulok o patungan,
    Imposible namang mawala’t sukat yan
    Sa kinalalagyan kung walang nakialam.

    At ni ang Clerk mismo na tagapag-ingat
    Ng mga papeles na masok at labas,
    Ay walang masabi gayong siya dapat
    Ang unang kailangan na may kopyang hawak.

    Nakapagtatakang hindi rin matukoy
    Pati sa tanggapan ng Legal Division,
    Kung saan dapat ay may kopya rin doon
    Upang masuri ang nasabing petisyon.

    Kung “sufficient in forms and substance” ang kaso
    Bago maglabas ng Resolusyon ito
    O ng ano pa man at “well informed” piho
    Ang “respondent” at ang “petitioner” mismo.

    Imposibleng hindi malaman ninuman
    Sa tanggapan ng Comelec ang folder n’yan,
    Pagkat di lang isang dibisyon din naman
    Ang may kopya dapat, na lubhang kailangan.

    Malinaw sa rekord ni Temmie Lambino,
    (Provincial Comelec Supervisor mismo
    Dito sa Pampanga) na ‘fowarded’ ito
    Sa Central Office ng Comelec diumano.

    Pero tila wala rin naman yata siyang
    Masabi hinggil sa kinahinatnan n’yan
    Liban nga lamang sa naipadala yan
    Sa kanilang pinaka-sentrung tanggapan.

    At wala naman daw po siyang natanggap
    Na resolusyon o ano pa mang ulat,
    Hinggil sa Petisyon mula nang iakyat
    Ng kanyang tanggapan sa nakatataas.

    Sabihin na nating ‘moot and academic’
    Ng maituturing at ito’y na-‘dismissed,’
    Bakit ni anumang kalatas o ‘notice’
    Ay di nakatanggap ang taong nag-‘submit’?

    Nitong “Petition for Disqualification”
    Hanggang sa ngayon at umabot sa puntong
    Kagaya po nitong tagilid si Among
    Sa takbo ng “Recount” na isinusulong!

    Kasi kung ito nga nama’y nariyan pa
    Kahit papano’y may pananggalang siya,
    Ngayong ang Comelec ay tila bingi na
    Sa anumang mosyon na isampa niya.

    Kasi liban na lang sa naturang mosyon
    Ay ano pa nga bang baraha ni Among
    Na puedeng magamit o maisusulong
    Upang harangin ang nasabing Komisyon?

    Sa tuloy-tuloy na pagsasagawa
    Ng ‘recounting’ kahit na may mosyon yata
    Si Among, na itigil pansamantala,
    Ang bilangan pagkat maghahanap pa nga;

    Ng maipambayad niya o panggastos
    Sa mga “revisors” sa “ongoing recount;”
    Ngunit ang Comelec ay tila ‘maramot’
    Na sa ano pa mang kahilingan ni Gob?


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here