Home Opinion Panawagan sa DAR, aksyonan na

Panawagan sa DAR, aksyonan na

422
0
SHARE

Kapag niloob ng ating Panginoon
ang anumang sa’tin sadyang nauukol,
sabihin man nating ito’y nagkataon
lang na suma atin sa tamang panahon.

Ipagpasalamat natin yan sa Kanya
gaya nitong aking dalangin noon pa,
na sana ang kasong aking isinampa
sa DAR laban kay Cruz ay maresolba na.

Tatlong dekada na riyang nakabimbin
sa ‘provincial office’ ng DAR dito sa ‘tin,
sanhi nitong hindi pagbigay ng pansin
ng Adjudicator na may pagkabalimbing.

Na hayan, na- ‘disbar’ bilang abogado
gawa ng siya ay isang manloloko;
na kung saan sabi’y kliyente niya mismo
ang dinugas n’yan ng daan-daang libo.

Na taga Maynila at/o taga saan
itong sa kanya ay kwenta nagpa- ‘disbar,’
maliban sa iba pang tirantado niyan
sa DAR, na posibleng pinagkakitaan.

Kastigo de Diyos ang sa kanya nangyari
sa kadahilanang ang dalangin pati
ng naging biktima riyan ni Attorney
Ariel D. Maglalang ‘including yours truly’

Bigyan nawa tayo ng mahabang buhay,
ng Dakilang Diyos sa atin Lumalang
sa Langit at Lupa; at di maranasan
ang gaya ng tayo ay pinagbili n’yan.

Isa pa itong si Jose Montemayor,
na naturingan pa manding isang Doctor,
Attorney at saka sabi isang Pastor;
pero masahol pa yan sa mandarambong.

Na di nakonsensya sa kanyang tuwirang
niloko rin ako nang siya itong kusang
ialok sa amin ang serbisyo legal
nito ng libre nang kumandidato yan;

Sa pagka-Pangulo nitong Pilipinas
pero matapos mag-‘ENTRY OF APPEARANCE’
siningil nito ang aking isang anak
ng para sa ‘associates’ n’yan 100k lahat.

At ang masakit ay di na nagpakita
man lang o sumipot kahima’t may bista
at itong si ARIEL na kaututan niya
ng dila posibleng nagkasbuwatan na.

At uluyan na ring kapwa di sumipot
sa tanggapan ng DAR o DARAB ang engot
na Adjudicator ngang ‘disbarred’ at bumantot
ang pangalan dahil sa mali niyang ugot.

At sana ang bago at kasasalang lang
sa ‘seat of justice’ng ating provincial DAR,
sisiyating mabuti ang ‘3 decades’ ko nang
simpleng kaso pero ‘still pending’ pa ‘yan.

At tuldukan bago ako ipasundo
ni Lord at akayin kung saan patungo
ang matuwid at ang humaling sa liko,
sa dagat-dagatang apoy kumukulo.

At ang maiiwan sa aking pamilya
na katas ng aking sa mundo kinita,
kasama ang sa DAR aking makukuha,
sa mga anak ko aking ipamana;

(Pagkat gustuhin man di ko madadala,
na kagaya rin ng sagana sa pera).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here