Baywalk Bodies dalawang grupo na

    622
    0
    SHARE
    MALAYO na talaga ang nararating ni Lito de Guzman dahil witness kami noong pataxi-taxi pa lang siya at may nakaaway pang isa sa mga kapatid sa panulat.

    Pero ngayon, luxury car na ang kanyang minamaneho at nag-celebrate pa siya ng kaarawan recently sa Skyroom, kung saan imbitado ang lahat ng mga artista at reporters na nakatulong at nakasama niya sa kanyang pag-asenso.

    Ipinaliwanag din ni Mader Lito sa birthday celebration niya na hindi true na nagkawatak-wa-tak na ang kanyang Baywalk Bodies.Hinati lang daw niya ang grupo sa dalawa kaya ngayon ay may dalawa nang Baywalk — ang Baywalk Bodies Evolution at ang Baywalk Bodies Prettilicious.

    Sabi ni Mader Lito, ang dalawang grupo na ‘yun ng Baywalk ay parte ng isang pamilya ng Baywalk Bodies, ‘kalito ba, Mader Lito?

    Kasama sa Evolution sina Rejoice Rivera, Kissa Kurdi, Wella Williams, Michaela Monteverde at si Lucille, na walang last name.

    Teka, nasaan na nga ba sina Jeanette Joaquin, Palmolive Palma, Clarisse Mercado at ‘yung iba pang mga orig na Baywalk?

    At ang mga prettilicious?

    Hay, ipakikilala sila, soon at baka isabay pa ito ni Mader Lito sa r-lease ng kanilang album sa June under Galaxy Records.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here