Nang sa gayon ay mabigyan ng hustisya
Laban sa animo nga po’y masahol pa
Sa talamak na kriminal ang pagkuha
At pagkadakip sa naturang pamilya.
Di ko sinasabing wala sa katuwiran
Ang sino mang pulis na kasama po riyan,
Pero sana naman ay magdahan-dahan
At di kagaya ng ating nasaksihan!
(Na maituturing ng karinyo brutal
Upang pati na ang pagpatay kay Rizal
Ay aminin nila para ma-resolve lang
Nang walang anuman silang kapaguran?
Upang ipakita lang niyan sa publiko
Na madali nilang na-resolve ang kaso;
Kahit pa ma’t dumampot lang ng kung sino
Na ni wala namang alam kahit ano?)
Sa pangyayaring yan ay marapat lamang
Na gumawa riyan ng mga karampatang
Aksyon o pagkilos ang ating pambansang
Tagapagsiyasat o itong NBI;
Upang mabigyan ng kinauukulang
Hustisya ang ating mga kababayan
Na naging biktima ng kaparaanang
Lubhang mali yata at wala sa lugar.
Kung ya’y nagawa sa tulad ni Ted Failon
Na kilala bilang broadcaster sa ngayon,
Sa atin pa kaya na walang gaanong
Impluwensya, liban lang sa kaunting dunong?
Sa kung anong bagay na posible nilang
Ikaso sa atin basta’t naisipan?
Partikular na sa mga peryodistang
Malimit magsulat ng kapalpakan niyan?
Pagkat kami’y parang di itinuturing
Na katoto po n’yan bunsod ng posibleng
Kami’y magkontra minsan sa maraming
Mga bagay-bagay na pinararating;
Sa kaalaman ng ating mambabasa,
Partikular itong nasa broadcast media,
Na kagaya ni Ted Failon at iba pa
Na talaga naman pong ibubulgar ka;
Kapag nakagawa ka ng di marapat
At yan ay kailangang malaman at sukat
Ng balana lalo ng ating ‘Human Rights
Commission na siyang sandigan ng lahat.
Sa puntong naturan, ngayo’t nagpahayag
Na ng di pag-ayon pati mambabatas
Sa pangyayaring yan, ano’t di patawag
Ng Senado o ng Congress itong lahat;
Na ng sangkot sa di magandang eksena
Na ‘in public’ mandin ang pagpapakita
Nitong aywan lang kung kawalang hustisya
O ito’y “obstruction of justice’ talaga?
Anu’t-ano pa man ang kahihinatnan
Ng imbestigasyon sa pangyayari iyan,
Harinawang tunay na hustisya, bayan
Ang pairalin ng kinauukulan!
Nang walang sinuman sa alin mang panig
Ang mangibabaw ng wala sa matuwid;
Pagkat tunay namang ang ‘scale of justice’
Ang dapat umiral sa lahat ng saglit!