Home Headlines Pamigay na lupa, ni Apo Lakay na di dapat ibenta o...

Pamigay na lupa, ni Apo Lakay na di dapat ibenta o isangla

595
0
SHARE

  (Karugtong ng sinundang isyu)

Na imbes pabor sa aking kliyente niya
ang isinumiteng ‘Revival Judgment’ na
isinulat n’yan ay ako itong kwenta
muntik ipatalo nitong ‘simbergwensa’
pagkat ‘contrary’ sa dapat na isalba;
maliban sa mali pati ang puntirya..

Pagkat di tukoy ang ‘Revival of Judgment’
na ninanais n’yan dapat na i- ‘revive,’
ang kay ASELO ba o itong ‘unwanted’
na ‘verdict’ ni ARIEL, na hindi ‘connected’
sa dapat ay isang ‘disqualification case’
na kinakaharap ni Cruz ‘up to present’?

At ito ang dapat na mapagtuunan
ng pansin nang mga officer nitong DAR,
dahil ang ‘civil case,’ na sinangkalan
ng Adjudicator na si Ariel Maglang,
ay ‘distinct’ at ito ay ‘separate case’ yan
na hindi marapat gamitin para riyan.

Ang isyu na bawal isangla ang lupa
na ‘landed estate’ at DAR ang namahala
sa pamamahagi at ‘allocatee’ nga,
ang ‘actual occupants’, pero may babala,
na hindi dapat na ibenta, isangla;
marapat sundin ng nabigyang biyaya.

DAR ang may hawak ng mga patakaran
at ‘rulings’ na dapat nitong ipa-iral,
wala ni alin man na pampamahalan
na alintuntunin ang sukat tumangan,
maliban dito sa naturang tanggapan,
at may hurisdiksyon ng usaping bawal.

At ang kasong ito ay hindi pang-DARAB,
pang-Civil in nature’ o kriminalidad,
pati ang ‘regular court’ ay di rin dapat
manghimasok sa kung anong hindi sukat;
simpleng kaso lang ‘years’ na ang lumipas
di maresolba ng kung sinong may hawak?

At ‘1 plus 1’ lamang nga kung tutuusin
pero ang kaso ay nakabimbin pa rin
sa tunay na isyu ito na dapat litisin,
base sa marapat na atituntunin
na kinakailangan na matamang dinggin
sa ‘fair and square at walang sinisikil.

At siyang dalangin ko upang matapos na
ang hirap at pagod na ilang taon na
ring sa balikat ko pasan sa tuwina;
Nang dahil sa ako’y balak dayain pa,
ng ilang aywan kung anong mayrun sila
kaya usad pagong ang kaso kumbaga.

Wala akong ninanis patamaan
na kung sino pa mang posibleng masaktan,
kundi ang atin ay palipad bato lang
masaktan na itong kahit na sino riyan
na gumagawa ng di makatarungan,
idimanda ako kung siya’y tamaan.

At itong kung bakit ‘it take so long’ bago
maresolba riyan ang kahit simpleng kaso,
na tulad ng akin, bigyang pansin ninyo
para matapos na bago pa mag-Pasko;
sapat na ang naging pakinabang nito,
na sina Fely, Grace sa pag-aari ko.

Ako na siyang nakabili sa Rural Bank
d’yan sa Macabebe ang matalo’t sukat
sa kaso, kung walang sa likod ng lahat,
walang nalangisanng kung sinong Barabas
sa tanggapang pilit niluto sa DARAB,
ang simpleng kaso na pang-DAR lamang dapat?!

Maraming salamat po!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here